HOME

|

ABOUT US

|

FULL LINE-UP
SHOWS/EVENTS

|

ENTERTAINMENT
NEWS ARTICLES

|

NOTES &
REVIEWS

|

PHOTO
ARCHIVE

|

CONTACT US

2006 Archives

2006 BODYSHOTS-USA Winners

Cheryl Burke interview

Paalam, Gary Bautista!

Selen at Ruffa - Bati na Talaga!

Miguel Vera, binigyan ng parangal sa 8th annual Celebration 2006

Dalawang Half-Pinay sa "Dancing with the Stars"

Happy Birthday, Dr. Vicki Belo

2005 Archives

Michael Copon wins VH1's "But Can They Sing?"

Apl ng Black Eyed Peas Birthday Bash-Party sa The Highlands

Chris Friel, tinanghal na bagong Ginoong Pilipinas USA 2006

Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas Tumanggap ng Golden Reflections Award!

Bubble Gang, klik sa mga tao!

Raymond Bagatsing kasama sa "What A Wonderful Place," ang Oscar entry ng Israel

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Inaasahang magiging maningning ang ika-labimpitong pagtatanghal ng taunang REFLECTIONS XVII na gaganapin sa Marriot Hotel sa downtown, Los Angeles sa darating na Nobyembre 12, 2005 dahil kabilang sa mga awardees ay sina Cris Judd, Cher Calvin (KTLA Morning News anchor woman), Senador 'Bong' Revilla, and direktor na si Chito Roño, and sous chef ni Oprah Winfrey na si Ron Bilaro, ang Hollywood publicist na si Rembrandt Flores, at ang nanalo ng walong medalya sa nakaraang ika-siyam na World Championship of Performing Arts competition na si Sean Collado.

Excited si Cris Judd sa kanyang award dahil importante sa kanya ang maparangalan ng kapwa niya mga Pilipino. Sa mga hindi nakaaalam, ang kanyang ina ay tubong-Samar, Ilocos Sur at lumaki si Cris sa Clarke Air Base bago nag-migrate at nag-aral ng high school sa Hawaii at lumipat sa Florida ang kanyang pamilya. Sumikat si Cris Judd sa larangan ng pagsasayaw nang mapasama ito sa 1995 MTV Video Music Awards kung saan nagtrabaho ito kay Michael Jackson at mapasama sa dalawang tour nito na Dangerous at History. Kabilang sa mga nakasama ni Cris ay sina Celine Dion, ang 'N Sync, Enrique Iglesias, Brian McKnight, Usher, Ja Rule, Julio Iglesias, Brian Setzer Orchestra, Jordan Knight, at marami pang iba. Tinawag siya ng People's Magazien na isa sa 25 Hottest Bachelors at ng In Touch Magazine ng 20 Hottest Hunks.

Sa telebisyon, sa larangan ng pag-arte ay um-appear na rin siya sa mga programang Eve, Everybody Loves Raymond, Half and Half, at Unfabulous. Sa I'm A Celebrity - Get Me Out of Here! ay nakalikom siya ng $200,000 para sa Make-A-Wish Foundation. Sa pelikulang The Human Stain, si Cris ang nag-coach kay Nicole Kidman para sa dance choreography nito sa ilang scenes, pati na rin si Lou Diamond Phillips sa isang pelikula nito.

Katatapos lamang ni Cris tapusin ang pelikulang Be My Baby na ire-release sa isang taon. Ang multi-talented na creative direktor din ng successful concert na "Let's Get Loud" ay composer din ng "Alive" kung saan ginamit ng Sony Music/Columbia Pictures para maging theme song ng pelikulang "Enough". Available na ngayon ang instructional ultimate Dance DVD nito kasama ni Eddie Garcia, ang "Dance Like We Do" (www.dancelikewedo.com)

Kasalukuyang umaani ng tagumpay sa Luxor sa Las Vegas ang Midnight Fantasy musical kung saan si Cris din ang nag-choreograph. Asahang magiging mabango ang pangalan ni Cris Judd sa isang taon dahil mas magiging aktibo ito sa pag-arte at pagdi-direk ng mga musical videos at malalaking proyekto.

Hindi man matukoy kung matutuloy ang dating Ms. International na si Aurora Pijuan (dahil sa pagbabago ng kanyang iskedyul) ay tinatayang magkakaroon ng maraming sorpresa ang taunang REFLECTIONS XVII, gaya ng nangyayari taun-taon. Samantala, nakatutok ang malalaking network at ilang international media sa darating na Nobyembre 12.

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

Ang Fil-Am actor na si Michael Copon, dating bida sa Power Ranger, kamakailan ay nasa One Tree Hill ng Fox 11 ay kasalukuyang tampok sa VH1 Channel kung saan isa siya sa mga contestant ng celebrity reality-tv contest na "But Can They Sing?". Napapanood ito tuwing Linggo, alas-diyes ng gabi.

Nakausap ko si Michael Copon (dahil inimbitahan ko itong dumalo ito sa REFLECTIONS XVII para mag-abot ng award kay Rembrandt Flores, ang kaibigan ko na publicist sa Hollywood) habang namimili ito ng suit. Kababalik lamang nito mula sa Hawaii dahil nag-shoot ito ng isang series ng N (Nickolodeon) Network. Bukod sa napapanood si Michael sa "That's So Raven" ay nakatakda itong makita ng kanyang mga tagahanga sa bagong programa sa ABC na "Commander-In-Chief". May pelikula rin itong natapos, ang "Rumble" na hindi pa niya alam kung kalian ipalalabas.

Tinanong ko siya kung ano ang pakiramdam nito nang matanggal siya sa "One Tree Hill" ng Fox 11. Sinabi ng guwapong actor na nanghihinayang man ito dahil nawala siya sa OTH ay mayroon naman siyang mga naka-line up na mga gawain. Pero sinabi daw sa kanya ng prodyuser ng OTH na maari itong ipatawag anumang sandali. Ang programa'y maraming karakter at gusto lamang nilang mag-pokus sa mga ito sa ngayon. Dahil sa popularidad ni Michael sa OTH ay dumami ang kanyang mga tagahanga. Sa katunayan, marami ang nag-aabang na mga tagahanga nito sa Nobyembre 12, para makita ito ng personal, sa REFLECTIONS.

Sa bago nitong pinagkakaabalahan na "But Can They Sing" makakatungali nito ang walong mga celebrities, katulad nina Morgan Fairchild, Antonio Sabato, Jr., Bai Ling, Kim Alexis, Joe Pantoliano, Myrka Dellanos, Larry Holmes, at Carmine Gotti Agnello.

Bata pa man si Michael ay mahilig na itong kumanta. Katunayan, bago ito nag-artista ay nakapag-rekord na ito ng isang single at mahilig din itong mag-compose ng mga kanta. Nakatakda sana itong mag-rekord ng isang album nang dumating ang pagkakataon na makuha ito sa sikat na programa na One Tree Hill. Para kay Michael, isang pagkakataon ang mapabilang sa "But Can They Sing" para maipakita nito ang talento niya sa pagkanta. Sa web site ng VH1 (www.VH1.com) puwede ninyong mapanood ang unang ipinanglaban ni Michael. Makikita rin kung paano kayong makaboboto.

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Nanalo ang pelikulang katatakutan na 'Sigaw' (may sub-title na 'The Echo'), na prinodyus ni Mother Lily Monteverde at ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo para sa Regal Films, sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival na nagsimula nuong Oktubre 14 hanggang 23. Ang pestibal na tumagal ng sampung araw ay nagkaroon ng awards night sa Magianno's Restaurant, sa The Grove.

Ang 'Sigaw' ay tinatampukan ng mga artistang sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Iza Calsado, Jomari Yllana, James Blanco, at ang batang si Ella Guevarra, sa direksyon ni Yam Laranas. Nakarating sa screening ng 'Sigaw' na ginanap sa Universal Citywalk Cinema, sa Universal Studios nuong Miyerkoles (Oktubre 19), sina Iza Calzado, Roselle Monteverde-Teo, ang direktor nitong si Yam Laranas, ang editor ng pelikulang 'Sigaw' na si Manet Dayrit. at ang kaibigan nitong prodyuser at Asian distributor ng mga sikat na pelikula (tulad ng The Grudge, The Ring 1 & 2) na si Roy Lee, na siyang naging daan para makapasok sa pestibal na ito at ma-sign-up si Yam para mapabilang sa International Creative Management, ang sikat na management company sa Hollywood.

Sabado ng gabi ay dumating si Richard Gutierrez para um-attend ng gala awards night kinabukasan. Bagama't halos dalawang araw lamang ang inilagi ni Richard sa Los Angeles, kahit na santambak ang taping na naghihintay sa Pilipinas, ay sulit naman daw. Mula sa LAX ay nanood ito ng show ni Rex Navarette sa Wiltern Theatre kung saan naghihintay sina Yam Laranas na nanood din kasama nina Iza Calzado. Nagkaroon ng pagkakataon na mag-shopping si Richard kinabukasan bago um-attend ng gala awards ceremony.

Mula sa table ng 'Sigaw', umakyat sa entablado si Yam Laranas para tanggapin ang award para kay Jesse Lucas para sa Best Musical Score at nagbigay ito ng maikling speech. Magkakasabay na umalis pauwi sa Pilipinas sina Richard Gutierrez, Iza Calzado, at Manet Dayrit, samantalang naiwan si Yam Laranas para makipag-miting sa ilang distributors.

Narito ang kompletong talaan ng mga pinarangalan:

Audience Choice Award - THE CABINET OF DR. CALIGARI
Best Picture - COOKERS (Producer: Jeff Ritchie)
Best Director - Dan Mintz (COOKERS)
Best Actor - Brad Hunt (COOKERS)
Best Actress - Cyia Batten (COOKERS)
Best Cinematography - Christopher Duddy (THE CABINET OF DR. CALIGARI)
Best Editing - Francisco Javier Gutierrez (BRASIL)
Best Musical Score - Jesse Lucas (SIGAW subtitled 'THE ECHO')
Best Special Effects - David lee Fisher, Josiah Holmes, Barbara K. Hintz (THE CABINET OF DR. CALIGARI)
Best Make-Up - Kyla Rose Tremblay (SEVERED)
Best Horror Short - STARING AT THE SUN (Dir. Toby Wilkins)
Best Student Horror - DEAD WEST (Dir. Eli Sasich)
Best Animated Horror Short - LITTLE DEAD GIRL (Dir. Lee Lanier)
Best Comedy Horror Short - ZOMBIE MOVIE (Directors: Michael J. Asquith & Ben Stenbeck)
Best Screenplay - NIGHTFALL (Written by Paul J. Da Silva)
2005 Career Achievement Award - Sean S. Cunningham

Personal Note: I'd like to thank some friends who were able to make it for the celebration of my birthday last week, held at Zentro Bistro in Cerritos, California: Firstly, to my good friend Bong Prada Lim, the Patron of the Arts of Los Angeles. For many years now, Bong has been throwing parties for my birthday and I can't truly thank him enough for the generosity and the love he has shown me. And to the rest of the Magic 5 --- my best friends Ate Lou Sabas, Monet Lu, and Sonny Madera, who, through the years are always there beside me. Thank you to Atty. Richard Wilner (www.wilneroreilly.com) and wife Christy, Emma Tiebens of Bella Gemma (www.bellagemma.com), Vicky, Valerie, Ariane, Rose & CJ, Jhunzen, Monty, Larry, Todd, Marivic Nieto, Leandro Muñoz, RD Benerayan, Vic Perez, and Zentro Bistro's owner/manager Therese for the good food! And, lastly, my publisher here, of AAPJ - Ruby Paguinto! Thank you to all well-wishers (around the world), especially to Dra. Vicki Belo who took time out from her very busy schedule just to call and surprise me and greet me (touch naman ako!). For those who gave gifts, including who said "raincheck na lang!" --- Thank you very big, talaga! Check the pics at www.picturetrail.com/olivercarnayphotos.

Boyet de Leon, in demand pa rin sa mga singing engagements sa Tate!

Dinayo pa namin ni Monet Lu, prodyuser at kilalang "beauty guru" dito sa Los Angeles, ang show na "Autumn Hits" nina Christian Bautista at Cheryl Marie sa Oxnard, CA (Oktubre 1) para makasama ang kaibigan naming si Lerma de la Cruz, kung saan sinamahan nito si Christopher de Leon at Sandy Andolong dahil special guest si "Boyet" sa naturang show.

Bihira naming makasama si "Tita Lerma" pagkatapos nitong huminto sa kanyang regular stints sa Solitas Restaurant sa South San Francisco. Ngayon ay regular silang kumakanta sa Cash Creek Casino sa SFO. Matagal nang kilala si Tita Lerma sa SFO bilang coordinator at booking agent ng mga Pinoy singers at artista. Kabilang si Boyet de Leon sa kanyang mga inaalagaan tuwing may raket dito sa Amerika. Reunion din ito nina Monet at Boyet na nakasama sa ikatlong Reflections Awards, ang pinaka-elegante na Fil-Am awards-show sa Los Angeles tuwing buwan ng Nobyembre na prodyus ni Monet Lu. Sa darating na Nobyembre 12 ay ika-labingpitong pagtatanghal na ito.

Sa Oktubre 16 pa ang uwi nina Boyet sa Pilipinas dahil tatapusin pa nito ang mga natanguang singing engagements (Oct. 2 - Lakewood; Oct. 8 - Sacramento; Oct. 9, San Diego; Oct. 14.-Union City; at Oct. 15- Vallejo, CA). Nakapag-advance taping na si Boyet sa panghapong palabas ng GMA 7 na serye, ang Now and Forever (Agos) bago ito umalis nang Pilipinas. Nakipag-co-produce siya sa Unitel Pictures ni Tony Gloria para sa digital film na "Nasaan Si Francis" (tatampukan nina Paolo contis, Rico Ponti, Tanya Garcia, at Julia Clarete). Gagawin din ni Boyet, pagbalik ng Maynila, ang "Blue Moon" ng Regal Films, kung saan kasali ito sa darating na Metro Manila Filmfest sa Disyembre.

Samantala, nabanggit naman ni Sandy na inumpisahan na nila ng mga kaibigan niyang sina Amy Austria, Lorna Tolentino at Gina Alajar ang taping ng "O Mare Ko!" ang bagong sitcom-dramedy ng bagong Channel 11 mula sa Vera Productions (kuha sa mga tunay na mga pangalan ng apat - Victoria (Lorna), Esmeralda (Amy), Regina (Gina), at Alexandra (Sandy). I-la-launch ito sa ikatlong Linggo ng Nobyembre 2005. Makakasama ng apat na magkakaibigan si TF (Fanny Serrano) sa programang ito.

Bukod sa magaling na artista si Boyet ay magaling rin itong kumanta. Mag-e-mail na lang kayo kay Lerma de la Cruz sa berceenterprises@aol.com kung gusto ninyong kunin ang serbisyo ni Christopher de Leon.

Marissa Sanchez, binigyan ng standing ovation sa 'Stars In A Million' L.A. Concert!

Bukod-tanging binigyan ng 'standing ovation' ang komedyanteng si Marissa Sanchez sa nakaraang 'Stars in a Million - The Reunion Concert' na ginanap sa Orpheum Theatre nitong nakaraang Oktubre 7. Klik na klik ang panggagaya nito sa pagkanta (complete with their famous gestures) ng mga singers na sina Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Lea Salonga, Manilyn Reynes. Ginaya rin nito sina Kris Aquino, Alice Dixson, at pati na rin ang mga mainstream artists na sina Toni Braxton, Barbara Streisand, atbp. Dahil dito'y mukhang gustong ibalik para i-prodyus ito ng isa kong kaibigan dito sa L.A.

Sina Erik Santos, Christian Bautista, Sheryn Regis, Frenchie Dy, at Jerome Sala ang tampok sa 'Stars in A Million Concert' na produce ng ABC Entertainment ni Tito Al Chu at Marissa Luces ng Marissa Entertainment. Special guests sina Marissa Sanchez at Divo Bayer. Marami ang nagsasabing mahusay ang PR ni Jerome Sala at mayroon itong stage presence. Kuwela ang mga jokes ni Sheryn Regis at 'di matatawaran ang galing nito sa pagbirit ng mga kanta. Of course, magaling din si Christian Bautista na kahit anong kantahin nito'y nabibigyan ng justice sa sarili nitong bersyon. Performer and dating ni Erik Santos. Tingnan ang mga kuha mula sa 'Stars in a Million - The Reunion Concert' sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos.

Pahabol: Imbyerna ako sa nagpatawag ng press conference na Josh Andowitt ang pangalan, na gusto lamang sumipsip sa mga producers na sina Tito Al Chu at Marissa Luces! Hindi ako naniniwalang ang mga producers ang may kagagawan kung bakit lahat ng press people ay naimbitahan at bukod-tanging ako lamang ang hindi naabisuhan. Akala tuloy ng iba'y ako ang nang-isnab ng pres con. Natoka itong magtawag ng press people at sukat ba'ng gamitin ang posisyon para hindi ako makarating! Mag-ingat sa social climber na ito! Last year, ito rin ang nag-sulsol sa akin para awayin ang dalawang walang ka-muwang muwang na mga producers!

Nagpapasalamat ako kay Atty. Richard Wilner ng Wilner & O'Reilly Law Office sa magandang seat sa harapan at libreng tiket na ibinigay nito. Hindi ito nakarating dahil kaarawan ng sikat na Attorney to the Stars,ang bagong taguri sa kanya! Pasalamat na rin sa aking kaibigang si Mhel Lago ng Wilshire Travel Center na kasama ko nang gabing iyon. Karamihan sa mga tikets ng mga artistang nag-pe-perform sa L.A. ay galing sa kanya.

Ms. International 1970 - Aurora Pijuan sa Reflections XVII sa Nobyembre 12!

Pagkatapos ng 'Star in A Million' concert ay nagyayang kumain ang mga kaibigan kong sina Bradford Adkins (San Jose producer) at Tito Ferdie Villar (Entertainment Editor ng Asian Journal - SFO), na dumayo pa sa L.A. mula San Francisco para mapanood ang paborito nilang sina Christian Bautista, Erik Santos, at Jerome Sala. Gusto sana nilang sumama sa cast party ng 'Stars in A Million' nguni't pinilit ko na lamang sumama ang mga ito sa grupo namin na nagpunta sa Chinatown. Kasama namin sina Tita Aster Amoyo, Benny Bautista (producer ng Jukebox Queens), Monet Lu, Ate Mila, Ryan Deles at kasama nitong si Jim. Nagkita ang dalawang 'icon' - sina Monet Lu at Tito Ferdie Villar, dalawang kilala sa pagbibigay ng pinaka-sikat at pinakamalalaking awards sa Fil-Am communities sa L.A. at San Francisco.

Bagama't alam ni Monet Lu na malakas ang hatak ng concert ni Gary Valenciano sa Orpheum Theatre sa November 12, na siya ring araw ng pagtatanghal ng ika-17 taon ng Reflections XVII, ay confident ang beauty guru at excited dahil sa pagdalo ng dating nagwagi ng Ms. International nuong 1970 na si Aurora Pijuan, na ngayo'y masugid na advocate ng Gawad Kalinga (www.GawadKalinga.com) sa Pilipinas. Nakatakdang magbigay ito ng kaalaman tungkol sa importansya ng organisasyon ng Gawad Kalinga.

Kasama sa mga awardees ng Reflections XVII sina Cher Calvin (KTLA news anchorwoman - Award of Excellence in Broadcast Journalism), Rembrandt Flores (Public Relations/ Event Planning), Sean Collado (Award of Excellence-Young Male Achiever/ Performing Arts), Ron Bilaro (Culinary Arts), Atty. Richard Wilner (Fil-Am Friendship Award), Manny Ortega (Photojournalist). Last year, ang kaibigan kong si Brook Lee (1997 Miss Universe - Miss Hawaii-USA) ang nag-host ng Reflections 16.

More shows and concerts in L.A.!

Patapos na ang taon ay bisi pa rin ang entertainment scenes sa L.A. Katatapos lang ng "Fashion Manila in L.A." nitong Linggo sa Hilton Hotel sa Glendale na produce ng Showbiz Artists ni Vic Perez (tingnan ang mga koleksyon nina Edgar San Diego, Richard Papa, Edgar Madamba, at Dave Tupaz sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos). Sa Oktubre 15 naman ay magsasama muli sina Rico Puno, Hajji Alejandro, Marco Sison, Rey Valera, at Nonoy Zuniga, para sa repeat performance nila sa Alex Theatre. Ito'y ang "The Return of the Hitmakers" na idi-direk ni Gus Aldeguer. Pinalitan ni Lee Robin Salazar ang role ni Leandro Munoz, kapatid ni Carlo Munoz na kasama sa musical-comedy na "Amerikana" kung saan tampok ang komedyanteng si Fe de los Reyes. Hindi ito natuloy sa orihinal na pagtatanghal na Oktubre 2 sa Alex Theatre. Oktubre 29 na ang showing nito sa L.A. Sa Nobyembre 12 naman ay magsasabay ang "Reflections 17" ni Monet Lu (na gaganapin sa Marriott Hotel sa downtown, L.A.) at ang concert ni Gary Valenciano sa Orpheum Theatre. Ayaw magpatalbog ni Monet Lu at sinisigurong kakaiba daw ang mga awardees at "special guests" sa awards-show nitong darating na Nobyembre 12. Isang Linggo pagkatapos ni Gary V ay magkakaroon din ng malaking party ang "Side A Band" kasama ang international singer na si Jim Brickman. Ang magkasunod na concert sa Orpheum Theatre ay handog ng KATZ Entertainment. Darating din sa L.A. ang cast ng "Bubble Gang" sa Orpheum Theatre sa November 11 (Biyernes). Mula Nobyembre 3-14 ay isisingit ko naman ang AFI FEST 2005 na taunan ko nang kino-cover. At magkabisihan man sa mga concerts, shows o pestibal sa L.A., eto't di natin namamalayan na Pasko na naman pala! Hay, buhay, ang bilis nga naman ng panahon!!!


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME