Marc Gueco - ika-limang nanalo ng Ginoong
Pilipinas-USA
Dec. 26, 2007
Si Marc Gueco ang nanalo
ng titulo bilang Ginoong Pilipinas-USA 2008 na ginanap sa Kalayaan Hall ng
Philippine Consulate sa New York City nitong nakaraang Disyembre 7, 2007.
Ang CBS news anchorwoman - NY edition, na si Kristine Johnson ang host nito,
kasama ng Ginoong Pilipinas 2003 1st runner-up winner na si Nomer Yuzon.
Naghandog ng piling awiting sina Ali Ewoldt (gumanap na Cosette sa Les Miserable
sa Broadway) at ang lokal na manganganta na si si Bill Cipriano.
Sa tanong na 'What is the meaning of being
'a fulfilled gentleman' and why?" maagap ang sagot ni Gueco ---"Being a fulfilled
gentleman is a man who treats everyone with courtesy and respect, because
that is God wants us to treat each other. And a man can be fulfilled if he
could make even such a small difference in this world."
Natanggap ni Marc Gueco ang $1,000.00 cash
prize, ang Ginoong Pilipinas USA 2008 sash at ang custom-made trophy. Si
Marc Gueco ang kakatawan sa India para sa isang internasyonal kompetisyon
kung saan mahigit na 50 bansa ang maglalaban-laban.
Past winners of this competition continues
to promote the beauty and diversity of the Filipino people and the Philippine
culture. Ang Ginoong Pilipinas ay may layunin din na makatulong sa mga
iba't-ibang charitable events which benefits various humanitarian causes.
Nitong nakaraang Ginoong Pilipinas pageant, beneficiary nito ang Southern
California Wildfire Relief efforts.
Si Marc Gueco ay may taas na anim na talampakan.
Ipinanganak ito sa
Maynila, Pilipinas. Nagtapos ito ng Bachelor of Science
in Management degree sa La Salle University bago ito nag-migrate kasama ng
kanyang pamilya, sa Michigan nuong 1997. Lumipat si Marc sa Las Vegas at
nagtrabaho bilang isang realtor. Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marc para
i-pursue ang acting at modeling career nito. Samantala, nagtratrabaho rin
ito sa isang mortgage company, ang Asset Management Corporation.
Labin-dalawang taon nang unang maging active
sa pagmo-model si Marc. He has appeared in several television commercials
and print advertisements. Kabilang dito ang mga sumusunod: Carl's Jr.
Restaurants, Hooters, MGM Studio 54, and most of all major high end casino
hotels and resorts in Las Vegas katulad ng Bellagio, Wynn, Mandalay Bay,
MGM, at iba pa. Nagtrabaho rin si Marc ng limang taon bilang instructor ng
John Robert Powers Modeling Agency at ng International Model Talent Association
(IMTA). Karamihan sa mga komersiyal na ginawa ni Marc ay nakuha nito sa sariling
koneksyon.
Ang Ginoong Pilipinas-USA 2008 ay prodyus
ng Philippines News New York bureau editor-in-chief na si Elton Lugay. Kabilang
sa mga hurado ng Ginoong Pilipinas USA 2008 ay ang mga sumusunod: Los
Angeles-Patron of the Arts - Mr. Bong Prada Lim (Chairman of the Board),
April Tiamzon (Asian Journal Publications Associate Director, New York),
Tom Scarangelli (New York Police Dept.), Danny Pagsambugan (Bb. Pilipinas
Pageant - Jersey City, NJ Executive Franchise Producer), Emerald Damian,
Grace Edwards (fashion designer-NY), at Jing Monsanto (San Francisco, CA).
Ang susunod na Ginoong Pilipinas ay gaganapin
sa Los Angeles sa Hunyo 28, 2008. Sinuman ang gustong sumali, maaari kayong
mag-email sa oliver@iatalent.com
ng inyong bio at maglakip ng larawan: headshots, half at full body shots.
Browse more pics at
www.HollywoodFLIP.com Photo Gallery.
Reflections 19 -- Nora Aunor, tumanggap
ng Lifetime Achievement Award; Eddie Gutierrez, napaluha; Elwood Perez binigyan
ng Tribute, at Annabelle Rama, nang-agaw ng eksena!
Nov. 19, 2007
Ginanap ang ika-labing-siyam na
Reflections (ang pinaka-prestihiyoso at pinakamatagal nang
Filipino-American awards-show sa Los Angeles, California) nitong nakaraang
Nobyembre 11, 2007, sa Marriott Hotel, downtown, Los Angeles.
Napaiyak nang husto
si Eddie Gutierrez habang nagsasalita sa podium. Nabigla ito nang ipalabas
ang mga old movie clips nuong kasagsagan pa ng '60s kung saan tinawag itong
"the most glamorous actor" in his time. Sa "speech" nito, naikuwento ni Eddie
nang una nitong makilala si Monet Lu, ang prodyuser ng Reflections, at ang
hirap ng buhay nito sa Los Angeles nang ito'y ilang taong nakatira rito,
mula sa pagtitinda ng kaldero para magkaroon ng kita.at bago ito bumalik
ng Pilipinas. "Some people have looked down on me, pero hindi ko ikinahiya
ang pagtitinda ng kaldero, dahil marangal itong trabaho. Tayong mga Pilipino,
hindi tayo takot sa trabaho, dahil masisipag tayo at kaya nating gawin ang
kahit anong uri ng gawain," aniya. Pinasalamatan ni Eddie si Monet sa
parangal na "Golden Reflections Award," ang pinakamataas na taunang award
na ibinibigay ng Reflections Committee. Among past recipients nito sina Lea
Salonga, Tia Carrere, Lou Diamond Phillips, Billy Crawford, Apl de Ap, at
Jocelyn Enriquez.
Binigyan ng Tribute at nagpakita rin ng past
movies ang Reflections bago ibigay ang award na Excellence in Filmmaking
sa batikang direktor na si Elwood Perez. Ayon kay Monet, isa si Elwood Perez
sa mga hinahangaan nitong direktor. "Isang karangalan para sa akin at
makasama sa entabladong ito sina Eddie Gutierrez at Nora Aunor," wika
nito.
Madamdamin at may sinseridad ang "speech"
ni "Ate Guy" o Nora
Aunor. Nauna rito ay nilapitan na ni Nora
si Eddie para batiin habang umiiyak si Tito Eddie sa entablado. Sa speech
ni Ate Guy, sinang-ayunan niya ang tinuran ni Tito Eddie Gutierrez, "Ang
mga Pilipino dito sa Amerika ay talagang nagdaan sa hirap
Hindi tayo
dapat mawalan ng pag-asa sa buhay at hindi natin dapat ikahiya ang mga nangyayari
sa ating buhay kung tayo'y domestic helper o ano pa man, basta nagta-trabaho
tayo ng marangal
'Yung nangyari sa akin ay mas grabe. Kung minsan,
pakiramdam ko, ayoko nang humarap sa mga tao dahil sa nangyari sa akin. Pero
kahit na nangyari sa akin yon, wala akong regrets
Sa tatlong taon kong
hindi makauwi sa Pilipinas, malayo sa mga mahal sa buhay, mahirap pero
nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil kung hindi nangyari sa akin ang
pagsubok na ito ay hindi ko makikita ang tutoong direksyon ng aking buhay.
Ang award na ito ay napakahalaga sa akin. Hindi ako nakagawa ng kahit anong
pelikula sa tatlong taon kong paninirahan sa Amerika pero nakatanggap pa
rin ako ng award. Maraming salamat sa iyo Monet," ang pagtatapos ng ng
nag-iisang Superstar. Sa paunlak ni Monet Lu, kumanta si "Ate Guy" ng "People"
(acapella). "Napakaganda pa rin ng boses ni Nora, no? Biro mo 'yan, kahit
walang background music, nakanganga pa rin ang mga tao sa kanya!" pahayag
ni Tita Annabelle habang katabi ko itong nakaupo sa table.
Nabigla si Tita Annabelle
sa award na "Star of the
Night," dahil sa "pink" gown nito (na motif
nang gabing iyon). Umakyat ito at nang-agaw ng eksena. Knowing her, karakter
talaga siya dahil aliw na aliw ang mga tao sa kanyang speech, na may kasabay
na plugging: "Maraming salamat sa pagsuporta ninyong lahat sa aking mga
anak. Punta kayo sa TFC, makita ninyo si Ruffa sa The Buzz, kung lilipat
naman kayo sa kalabang channel, hindi n'yo ma-mi-miss si Raymond sa GMA7
na anak ko rin. Syempre, ang pinakasikat sa GMA, 'yung kakambal naman ni
Raymond na si Richard. Abangan ninyo ang "Kamandag" at trailer pa lang ay
napakaganda talaga! Syempre, di ko rin dapat kalimutan i-plug ang bagong
show ng asawa ko na bagong tv-series sa "Kapamilya" (Channel 2), ang "Anna
Liza." So, abangan n'yo yan! Si Monet, matagal ko nang kaibigan 'yan, 1972
pa, mga bata pa kami. Si Monet ang isa sa mga tumulong sa amin nang
bagong dating kami dito sa L.A. Maraming salamat
sa pagmamahal na ibinibigay mo sa aming pamilya, Monet!" sabi pa ni Tita
Annabelle (na medyo imbyerna nuong una bago lumakad sa "red carpet" dahil
sa feeling "not important" daw sila kay Monet dahil hindi sila iniintindi
ni Monet at aligaga ito. Pero may sorpresa pala ito para sa kanila ni Eddie.
(By the way, speaking of my friend ---- birthday nito sa Nobyembre 22 - Happy
Birtday, Monet! From your friend here -Oliver!)
Kasamang dumating nina Tito Eddie at Tita
Annabelle si Jun Lalin (na bising-bisi
sa pag-ne-networking). "Naku, Oliver, nag-shopping
pa 'ko para sa okasyong ito, ha! Balak ko pa namang isoli ang binili kong
ternong D&G na'to pero natastas ang pantaloon, pa'no ko pa itong isosoli?"
palag ng nakatutuwang Jun Lalin, sabay halakhak. Enjoy naman daw ang
bakasyong ito para sa kanya.
Naging memorable ika-19 Reflections dahil
kay Nora Aunor, Elwood Perez, at ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle
Rama! Highlight din sa taong ito ang pambihirang fashion collections
nina David Tupaz at Irma la Dolce. Nasa
www.HollywoodFLIP.com Photo Gallery
ang iba pang mga pictures.
Click
here for more of Oliver Carnay's current articles!
About OLIVER
CARNAY
With more than a decade of experience in
the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international
Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent,
Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer,
and Concert Booking Agent.
Oliver has written for major publications,
domestic and international, including Asian Journal Publications
(www.asianjournal.com),
BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women
Magazine," available online at
www.balita.com/ and
www.Go4Women.com),
ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern
part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper
- circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published
in northern and southern parts of California.
In San Diego: FAME Magazine and
PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment
column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT
(www.carouselpinoy.com).
He is a contributor for BUZZINE Magazine
(www.buzzine.com),
AUDREY Magazine
(www.audreymagazine.com),
www.siklab.com, PARA TODOS
Magazine, and other L.A. based publications.
He is the Los Angeles correspondent of
Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine
(circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY
GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.
He is an active member of the National
Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association
of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see
www.ppagla.org for member
listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association
of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major
Hollywood events.
Oliver is the Publisher of
www.HollywoodFLIP.com,
an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first
rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to
the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.
Oliver Carnay is the proprietor of
International Artists Production Company established in 1995 where
he had produced, directed concerts and stage plays.
Oliver Carnay is in full blast as a Talent
Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR
& Talent Management
(www.iatalent.com), a
full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster
of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated
artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the
Talent Managers Association
(www.talentmanagers.org).
Email at
Oliver@iatalent.com
HOME |