Celebrity
L.A. Scene
By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com
Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas Tumanggap ng Golden
Reflections Award!
Naging maningning
ang ika-labimpitong pagtatanghal ng Reflections Awards na ginanap sa Marriott
Hotel, sa downtown, Los Angeles nitong Nobyembre 12, 2005. Nasorpresa ang
mga um-attend dahil sa pagdating ni Allan Pineda-Lindo o mas sikat sa pangalang
Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas. Mabuti na lamang at nagkita kami sa AFI FEST
nang nakaraang Linggo at napahinuhod kong makarating ito. Matagal nang napadalhan
ito ng sulat nguni't hindi umano ito maka-commit sa Reflections (at hindi
namin ito mabigyan ng sapat na publisidad hanggang walang opisyal statement
na ito'y talagang makararating) dahil baka hindi ito makababalik mula sa
Dallas kung saan kasama ng BED si Gwen Stefani sa tour nito. Dumating ito
ng naka-Barong-Tagalog sa loob ng suit-jacket at maong na pants, kasama ng
nobya nitong si Joanna.
Kung semi-formal ang dating nito'y hindi naman
nagpahuli si Cris Judd (na tumanggap ng Reflections Award of Excellence,
Actor/Dance Choreographer/Entertainer). Pormal ang dating nito na naka-Prada
suit kasama ng bago nitong nobya na half-Filipino-half-German na si Ana Salinzky.
Bagay na bagay ang dalawa habang lumalakad sa red carpet.
Sa finale segment kung saan umakyat din ang
prodyuser na si Monet Lu para parangalan ang anim na pinakamatataas na awards,
stand-out din ang nag-iisang babae na si Cher Calvin (Broadcast/Journalism).
Ang iba pang nasa entablado habang nag-ra-rap si Apl.de.Ap bago tanggapin
ang kanyang award ay sina Atty. Richard Wilner (Fil-Am Friendship), Rembrandt
Flores (Public Relations/Event Planning), Direk Chito Roño (Filmmaking),
Jolo Revilla (nag-proxy kay Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. para sa Award
of Excellence in Public Service) at Ron Bilaro (Culinary Arts).
Ang ilang mga Hollywood celebrities na dumating
bukod sa mga nabanggit ay sina Miss Issa (ang bagong R&B sexy Latin singer
na may lalabas na album sa Pebrero 2006, may bago itong single na lumabas
kasama ni Fat Joe), Alex A. Quinn (anak ng two-time Academy winner na si
Anthony Quinn), Raul Julia-Levy (anak ng bantog na aktor na si Raul Julia;
may bago itong show sa UPN Channel 11, ang "The Scene"), ang ex-Power Ranger
na si Jessica Rey kasama ang aktor nitong boyfriend na si Craig, ang Latin
aktor na si Alek Carrera, Kenny Johnson (ng "The Shield"), at Clement Von
Franckenstein ("Blackbeard", "All My Children"). Na-disappoint ang mga fans
ni Michael Copon
dahil
hindi ito nakarating (lalo na ako, noh!) dahil naasalto ito ng mga kaibigan
dahil sa kaarawan nito kinabukasan. Naimbita ko rin sina Raymond Bagatsing,
Nelson Anderson, Ace Cruz, Donita Ganzon-Gold, at Angelo Santos (ang official
couturier ng sikat na soap na "The Bold & The Beautiful" ng CBS). Dumating
rin ang Patron of the Arts na si Bong Prada Lim, Emma Tiebens, ang designer
na si Nardie Presa, atbp.
Nagkaroon ng pagkakataon na ma-interbyu ng
mga international Print media ng hiwalay ang mga dumating na mga celebrities
dahil may Press Room na inihanda para sa mga ito. Sa red carpet na
ala-Hollywood-Premiere-style ay nag-piyesta naman ang mga photographers sa
pagkuha ng mga litrato. Ang backdrop sa red carpet ay nakalagay ang mga logo
ng mga major sponsors nito: Belo Medical Group, Aqua Imaging, Creative Smiles,
Monet Salon, kasama ng REFLECTIONS XVII.
Abangan ang mga litrato sa aking web site
mula sa mga kuha ni Sthanlee Mirador at ilang mga kasamahan ng PPP-USA:
www.picturetrail.com/olivercarnayphotos.
Bubble Gang, klik sa mga tao!
Ngarag ang man ako dahil sa bisi rin ako sa
pagko-kober ng AFI FEST 2005 ay naisingit ko rin ang pagdalo sa Bubble Gang
preskon at ang show nito sa Orpheum Theatre nitong nakaraang Biyernes (Nobyembre
11).
Kinakabahan ang marami
sa suot ni Rufa Mae Quinto tuwing lalabas ito sa stage, dahil mukhang luluwa
na ang utong nito sa dibdib. Hindi man naka-pag-perform ang komedyanteng
si Michael V dahil sa wala itong working visa ay naroon siya para suportahan
ang kanyang mga kasamahan. Nakaaliw ang 'Chaka Nya' spoof video nito kay
Sharon Cuneta. Kumanta ng seryoso at nagpakitang gilas sa pagkanta ang bawa't
isa sa cast: Rufa Mae Quinto, Ara Mina, Diana Zubiri, Maureen Larrazabal,
Wendell Ramos, Antonio Aquitania, at Ogie Alcasid. May stage presence at
magaling ding kumanta si Boy 2 Quizon. Aliw din ang game segment (kung saan
nagtanggal ng mga damit sina Ara Mina, Diana Zubiri, at Wendell Ramos habang
mga nasa kahon ang mga ito) at ang sitcom na ginaya ni Wendell si Christopher
de Leon. May segment din ang Sex Balls (Wendell Ramos, Antonio Aquitania,
Ogie Alcasid, at Boy 2 Quizon) kung saan kitang-kita at halos wala nang itinira
ang mga ito sa kanilang 'very' short shorts. Sa Bubble Gang cast, bukod tanging
si Francine Prieto ang wala at hindi kasama sa L.A. at San Francisco show
(Nobyembre 12). Pagkatapos ng show ay pinagkaguluhan ang mga ito sa backstage.
Raymond Bagatsing kasama sa "What A
Wonderful Place," ang Oscar entry ng Israel
Napanood ko ang isa
sa mga palabas sa AFI FEST 2005 (Nobyembre 3-14) at natutuwa naman ako para
sa aktor na si Raymond Bagatsing dahil kasama ito pelikulang "What A Wonderful
Place," ang official selected entry na ipanlalaban ng Israel para sa Best
Foreign Language Film sa darating na Oscars. Nakapang-hihinayang mang malaman
na walang entry ang Pilipinas ay eto't malalaman naman natin na may isang
Pilipino pala na nakasama sa mga lead stars ng panlaban sa Best Foreign Film
ng bansang Israel.
Ang "What A Wonderful Place" na dinirek ni
Eyal Halfon ay kuwento ng mga immigrants sa Israel. Si Raymond Bagatsing
ang gumaganap na Pilipino na nagtratrabaho bilang 'caregiver.' Multi-ethnic
ang cast nito (Cambodians, Thais, Vietnamese, Africans, Swedish, Egyptians,
atbp.) pero nasa ika-limang puwesto ang pangalan ni Raymong Bagatsing bilang
isa sa mga leads sa pelikula.
Nakatakdang bumalik si Raymond Bagatsing rito
sa Los Angeles dahil isa ito sa pinalad na manalo sa Hollywood Dreams, ang
celebrity reality-based tv show ng ABC 5 sa Pilipinas. Kamakailan ay narito
rin ang artistang si Julia Clarete, ang nag-iisang naiwang katunggali ni
Raymond. Ang prodyuser ng Hollywood Dreams ay ang L.A.-based na si Romeo
Joven.
Pahabol: Gusto kong magpasalamat kay
Tita MaryAnn Opena sa ibinigay niyang maliit na salu-salo sa Crustacean para
sa aking kaarawan. Kasama namin ang Abante writer na si Jojo Gabinete na
kasalukuyang nagbabakasyon dito sa L.A. Nuong Huwebes ay naulit ang dinner
at nakasama naman namin sina Diana Zubiri, Direk Chito Roño, at si
Kuya Vic na kanyang asawa.
About OLIVER
CARNAY
With more than a decade of experience in
the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international
Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent,
Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer,
and Concert Booking Agent.
Oliver has written for major publications,
domestic and international, including Asian Journal Publications
(www.asianjournal.com),
BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women
Magazine," available online at
www.balita.com/ and
www.Go4Women.com),
ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern
part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper
- circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published
in northern and southern parts of California.
In San Diego: FAME Magazine and
PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment
column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT
(www.carouselpinoy.com).
He is a contributor for BUZZINE Magazine
(www.buzzine.com),
AUDREY Magazine
(www.audreymagazine.com),
www.siklab.com, PARA TODOS
Magazine, and other L.A. based publications.
He is the Los Angeles correspondent of
Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine
(circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY
GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.
He is an active member of the National
Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association
of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see
www.ppagla.org for member
listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association
of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major
Hollywood events.
Oliver is the Publisher of
www.HollywoodFLIP.com,
an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first
rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to
the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.
Oliver Carnay is the proprietor of
International Artists Production Company established in 1995 where
he had produced, directed concerts and stage plays.
Oliver Carnay is in full blast as a Talent
Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR
& Talent Management
(www.iatalent.com), a
full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster
of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated
artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the
Talent Managers Association
(www.talentmanagers.org).
Email at
Oliver@iatalent.com
HOME
|