HOME

|

ABOUT US

|

FULL LINE-UP
SHOWS/EVENTS

|

ENTERTAINMENT
NEWS ARTICLES

|

NOTES &
REVIEWS

|

PHOTO
ARCHIVE

|

CONTACT US

2006 Archives

Ian Gamazon at Neill dela Llana, mga director ng CAVITE, nanalo ng IFC/Acura Someone to Watch Award

Casting call for two new TV series in the Philippines!

2006 BODYSHOTS-USA Winners

Cheryl Burke interview

Paalam, Gary Bautista!

Selen at Ruffa - Bati na Talaga!

Miguel Vera, binigyan ng parangal sa 8th annual Celebration 2006

Dalawang Half-Pinay sa "Dancing with the Stars"

Happy Birthday, Dr. Vicki Belo

2005 Archives

Michael Copon wins VH1's "But Can They Sing?"

Apl ng Black Eyed Peas Birthday Bash-Party sa The Highlands

Chris Friel, tinanghal na bagong Ginoong Pilipinas USA 2006

Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas Tumanggap ng Golden Reflections Award!

Bubble Gang, klik sa mga tao!

Raymond Bagatsing kasama sa "What A Wonderful Place," ang Oscar entry ng Israel

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Vilma Santos, bibigyan ng tribute sa Los Angeles!
Marso 5, 2006

Inaabangan dito sa Los Angeles ang pagdating ng mayor ng Lipa City, Batangas at tinaguriang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos. Overwhelming ang response ng kanyang mga tagahanga nang malaman ito. Ang iba'y tumatawag pa sa opisina ni Monet Lu, prodyuser ng gagawing tribute. Inaasahang magiging maningning ito dahil sinisiguro ng prodyuser ng taunang Reflections Awards at beauty-guru na si Monet Lu na magiging maayos at makulay ang magiging presentasyon nito. Ang tribute kay Ate Vi ay gaganapin sometime July or August.

Matagal nang pangarap ni Monet Lu na bigyan ng parangal si Ate Vi. Nang umuwi ito kamakailan sa Pilipinas ay naging madali para kay Monet Lu ang makadaupang-palad ng personal si "Ate Vi" at pormal na nakipag-usap sa tulong ng aming kaibigang si Fanny Serrano. Napanood din ni Ate Vi nang ma-feature si Monet Lu sa programang Pipol (ng ABS-CBN, host si Ces Drillon) at humanga ito sa mga achievements ng beauty guru. Naging madali kay Monet na mapa-payag ang ultimate idol dahil na rin sa track record nito. Si Monet ang prodyuser ng Reflections Awards (ika-18 taon na nito sa Nobyembre) at ang Uliran Awards na ginaganap tuwing Mayo. Ang mga award-giving bodies na ito ang nagbibigay parangal sa mga Fil-Am immigrants na naging successful sa kani-kanilang mga larangan.

Kung nais ninyong magbigay ng komento, suhestiyon o suporta para sa nag-iisang Ms. Vilma Santos, maari kayong mag-email sa events.Hollywood@sbcglobal.net at banggitin ang "Carousel Pinoy."

Apl.de.Ap, planong magbigay ng fund-raising concert para sa Leyte mudslide victims at magla-launch ng sariling clothing line sa susunod na Spring!
Marso 5, 2006

Pina-plano ni Allan Pineda o Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas na magkaroon ng fund-raising concert para sa mga biktima ng Leyte mudslide. Kahit na sikat na sikat na ay hindi nalilimutan ni Apl ang kanyang bayang sinilangan. Nanlumo ito nang malaman na marami ang namatay at natabunan sa naganap na trahedya sa Leyte. Gusto niyang mag-imbita ng mga Hollywood performers at local Filipino artists para sa fund-raising concert, sa buwan ng Hunyo. Plano niya na gawin ito taun-taon para mai-distribute ang pondo sa mga iba't-ibang trahedya na nangyayari sa Pilipinas at kanyang mga kababayan. Marami ang nakaalam ng kagandahan ng kalooban ni Apl, kaya naman kamakailan ay binigyan siya ng pinakamataas na karangalan ng Reflections nuong Nobyembre.

Si Apl, kasama ng kanyang grupo sa Black Eyed Peas, na sina Fergie, Will.I.Am at Taboo, ay nag-perform nuong Pebrero 6, 2006 sa kanilang taunang Peapod Concert (www.peapodfoundation.org) na ginanap sa Henry Fonda Theatre sa Hollywood Blvd. Naimbitahan nila ang iba pang kilalang mga artists, kabilang ang bantog na musikerong si Sergio Mendes, kasama ng mga panauhing sina Justin Timberlake, India.Arie, Erykah Badu, John Legend, at marami pang iba. Ang taunang Peapod concert mula sa Peapod Foundation ay may layuning makatulong sa mga organisasyon na tumutulong sa mga batang kapus-palad.

Magiging abala muna si Apl kasama ng BEP sa kanilang Black Eyed Peas Honda Civic Tour na magsisimula sa Fremont, CA sa darating na Marso 23 hanggang Mayo 21, 2006. Makakasama nito sa tour ang Pussycat Dolls. (tingnan ang iba pang iskedyul sa www.blackeyedpeas.com). Inaabangan din ng mga Fil-Am dito ang launching ng bago nitong lalabas na Apl Clothing Line. Nabanggit din ni Apl na dadalhin niya ito sa Pilipinas.

Ian Gamazon at Neill dela Llana, mga director ng CAVITE, nanalo ng IFC/Acura Someone to Watch Award sa 12th Annual FIND's Independent Spirit Award
Marso 5, 2006

Sunod-sunod ang pagwawagi ng mga Pilipino at Fil-Ams sa bawa't sulok ng daigdig. Nandiyan ang "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros," na namamayagpag sa iba't-ibang pestibal. Sa larangan ng boxing, kapa-panalo lamang ni Manny Pacquiao kay Erik Morales. Sa pagsasayaw, pinag-uusapan ang pagkakapanalo nina Drew Lachey at ang Fil-Am na ballroom champ na si Cheryl Burke, mga grand winners ng "Dancing with the Stars" (Fox 11). Kamakailan, si Michael Copon ay nanalo rin sa "But Can They Sing?" (VH1 Channel). Idagdag pa ang nominasyon ni Pia Clemente, ang kauna-unahang Amerikanang -Pilipina na na-nominate sa Oscars.

Isang araw bago ang Oscars, sa nakaraang ika-walong selebrasyon ng Film Independent's INDEPENDENT SPIRIT AWARDS na ginanap sa isang malaking tent sa Santa Monica Beach, CA, tumanggap ng karangalan ang dalawang Fil-Am na sina Ian Gamazon at Neill dela Llana para sa kanilang indie film na "Cavite." Nakamit nila ang grant na $25,000 para sa susunod nilang pelikula. Ang dalawa'y hindi pa rin makapaniwala sa kanilang natamong pera, na triple daw ng budget ng kanilang pelikulang "Cavite."

Hindi nila akalain na ang kauna-unahang pag-attend nila ng taunang pestibal na ito ay sobra pa sa kanilang inaasahan. Bukod sa nakasama at nakita nila ang napakaraming artistang tinitingala sa puting-tabing sa Hollywood, katulad nina George Clooney, Felicity Huffman, Phillip Seymour-Hoffman, Naomi Watts, ang Olsen twins na sina Mary Kate at Ashley, Heath Ledger at Michelle Williams, Zhang Ziyi, ang direktor na si Ang Lee, ang singer at aktor na si Ludacris, Macy Gray, at atbp., ay makakamit pa nila ang isa sa apat na special awards ng ika-walong pagtatanghal ng FIND's Independent Spirit Awards. Idagdag pa ang nominasyon ni Pia Clemente, ang kauna-unahang Amerikanang–Pilipina na na-nominate sa Oscars para sa “Live Action Film” category kung saan bida si Kevin Pollack. Tingnan ang iba pang kuha sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos


CASTING CALL FOR TWO (2) NEW TELEVISION SERIES IN THE PHILIPPINES; LOOKING FOR LOVE?  A New Dating Show In the Philippines…
March 5, 2006

1) Here's a great opportunity to find true love. A new dating television show in the Philippines, similar to the Bachelor, is looking for a Filipino-American US Citizen, must be between 25-40 years old, single, with a pleasing personality, stable job, and of good moral character. Here's your chance to find your Soul mate. Must be willing to move to the Philippines for about two months… Prizes are at stake.

2) Looking for two (2) young beautiful women for a new television series in the Philippines similar to the Simple Life. Candidates must be between 18 to 25 years old. Must be outgoing, fun, and ready to do anything. Taping will be in the Philippines for six (6) weeks. Prizes are at stake.

Interested parties for the above, please email josie62ph@yahoo.com or josiesol@email.com with your photo and description.

Jose "Sway" Penala, pang-apat sa American Idol Top 12 lalaki na natanggal!
Marso 5, 2006

Marami sa atin ang nanghinayang dahil natanggal na ang Pilipinong si "Sway" Penala sa Season 5 ng American Idol. Nguni't ayon na rin sa kanya, isang malaking tagumpay na rin ang mapabilang sa Top 24 at hindi nito malilimutan ang mga magagandang karanasan at pakikipag-kaibigan sa mga kasamahan nito.

Sa launching ng Top 24 na ginanap sa Cinespace sa may Hollywood Blvd. Saksi ako sa unang red carpet appearances ng mga ito. Ipinakilala ang dalawampu't apat (labindalawang lalaki at labindalawang babae). Kabilang dito ang Fil-Am na si "Aljo" (tawag ng kanyang mga kaanak at kapamilya) o ngayo'y kilala sa pangalang Jose "Sway" Penala. In-expect ko na, na hindi ko mai-interbyu ito dahil katulad ng mga nakaraang American Idol (mula Season 1 hanggang Season 4) hindi sila maaring interbyuhin sa ngayon. Normally, hihintayin nila ang "last 12 finalists" na kabibilangan ng anim na lalaki at anim na babae. Katulad ng mga nakaraang taon. Sa mga nakaraang taon, ang unang appearance ng mga ito ay ang sa taunang "Teen Choice Awards."

Umuulan man ng malakas ay sulit naman ang pag-attend ko ng launching ng Top 24 contestants ng American Idol - Season 5. Hindi lamang dahil sa nakuhanan ko ng shots ang dalawampu't apat, kundi naging maningning din ito dahil sa "special performance ni Costantine Maroulis (ang rocker na Griego nuong nakaraang taon na nakalaban ni Bo Bice).

Sa press na mga naroroon ibinunyag ni Constantine na magkakaroon ito ng solo album nguni't taliwas ito sa forte ng album na inaasahan ng kanyang mga fans. Imbes na "rock album" ito ay mga pop at adult-contemporary ang magiging laman nito. "This album will be different from what people is expecting from me. There won't be much rock and roll, but mostly pop with touches of adult-contemporary," ang paliwanag niya. "The album is a bit more vocally driven and it's going to be super-sexy, with great arrangements and some classic stuff," patuloy nito. Nang gabing iyon ay sinampulan nito ang mga dumalo sa launching at kumanta ito ng anim mula sa kanyang bagong album. Sinabi rin nito na magkakaroon siya ng bagong tv-sitcom sa ABC 7 na medyo loosely-based sa kanyang buhay.

Sa launching ng Top 24 contestants ng "American Idol": Jose Sway Penala, sa kanyang unang red carpet appearance bago ito matanggal; Nag-perform si Constantine Maroulis (last year's contestant) at nag-promote ng bagong darating na adult-contemporary album. Dumating din ang dating katunggali ni Kelly Clarkson sa American Idol Season 1 na si Justin Guarini. (All photos by Oliver Carnay. More at www.picturetrail.com/olivercarnayphotos)

Kabilang sa dumating ay ang dating katunggali ni Kelly Clarkson sa unang American Idol na si Justin Guarini. Sa huli kong eksklusibong interbyu nuong nakaraang taon (na ginanap sa Raleigh Studios para sa pagtatanghal ng play na "Pieces of ASS") nabanggit ni Justin na kumuha na ito ng bagong magaling na manager at naghahanda para sa susunod nitong album.

Sa labindalawang lalaki natanggal na ang mga sumusunod: Bobby Bennett, Jr. (19 years old mula sa Denver, Colorado, unang na-eliminate); Patrick Aaron Hall (27, Gravit, AR, pangalawang natanggal sa mga lalaki); David Radford (17, Crystal Lake, IL) (pangatlong natanggal); at pang-apat ang Fil-Am na si Jose "Sway" Penala (27, San Francisco, CA).

Natira sina Kevin Conais (16, Levittown, NY); Bucky Covington (28, Rockingham, NC); Chris Daughtry (26, McLeansville, NC); Taylor Hicks (28, Birmingham, AL); Will Makar (16, The Woodlands, TX); Gedeon McKinney (17, Memphis, TN); Elliott Yamin (27, Richmond, VA); Ace Young (25, mula sa Boulder, CO pero lumipat na sa Los Angeles, CA);

Sa labindalawang babae ay natanggal na sina: Becky O'Donohue (25, Dobbs Ferry, NY, unang na-eliminate sa mga babae); Stevie Scott (19, Sacramento, CA, pangalawang na-eliminate sa mga babae); Heather Cox (22, Jonesville, NC); at Brenna Gethers (25, Mount Vernon, NY).

Natira sina Paris Bennett (17, Rockford, IL); Ayla Brown (17, Waltham, MA); Mandisa Hundley (29, Sacramento, CA); Melissa McGhee (21, Tampa, Florida); Katharine McPhee (21, Los Angeles, CA); Kellie Pickler (19, Albermarie, NC); Kinnik Sky (28, Columbia, SC); at Lisa Tucker (16, Anaheim, CA).

Mag-log-on sa www.americanidol.com at iboto ninyo ang inaakala ninyong karapat-dapat na manalo. Tingnan ang iba pang mga kuha mula sa launching ng Top 24 sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos

Click here for more of Oliver Carnay's March 2006 column: Star-studded ang Fall/Winter Luxe Wear fashion show sa Regent Beverly Wilshire Hotel ng Filipino designer na si David Tupaz!


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME