HOME       |      ABOUT US       |        UPCOMING SHOWS/EVENTS       |        PHOTO ARCHIVE      |      CONTACT US

2005 Archives

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Sunud-sunod na naman ang mga malalaking concerts sa taong 2005! Ang "Queens … on Fire," ang back to back concert nina Pops Fernandez at Regine Velasquez (special guest si Erik Santos) ang pinakaa-abangan dito sa Abril 2, gaganapin sa Grand Olympic Auditorium. Napanood ko ang concert ng dalawa sa Maynila na ginanap sa dating Ultra sa Greenhills, sa imbitasyon ng pinuno ng Starmedia Entertainment na si Ana Co-Puno. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama ang dalawang bantog na mga singers. Dito sa Los Angeles, nuong 1998, ay nag-back-to-back na ang dalawa sa concert na "Queen of Pops" na itinanghal sa Pasadena Civic Auditorium. Ang ating kaibigang si Jackie Regala ang namahala nito, mula sa dati nitong ahensiya, ang Talents Unlimited, Inc. Sa concert sa Maynila, kapuri-puri ang "energy" at salitan ng mga awit ng dalawa. Karamihan sa repertwa ay mga duweto'ng kaibig-ibig. Nakatutuwa ang kakenkoyan ni Regine at napaka- "sexy" ni Pops sa entablado. Sigurado ako'ng magugustuhan ng mga fans ang inihahandang "salpukan" ng dalawa sa pinakamagagaling na "performers" ng Pilipinas.

Sa Mayo 21, sa Grand Olympic Auditorium pa rin, magpapa-siklaban ang mga "Jukebox Queens" na sina Imelda Papin, Eva Eugenio, Claire dela Fuente, kasama ni Leah Navarro. Tumawag kaagad ang prodyuser na si Benny Bautista, para ma-imporma na tuloy pa rin ang concert, bagama't made-delay ito (dapat ay nuong Pebrero 12 ang concert). Blessing in disguise din dahil siniguro ni Vic Perez (ng V Entertainment) na pagkakataon ito na makapag-handa ng husto ang mga fans ng mga "Jukebox Queens" para mas sulit ang ibinayad ng mga manonood. Ang pagkakaalam ko'y hindi lamang magaling itong mga mang-aawit, may pagka-kenkoy din ang ito, kaya sigurado'ng riot ang pagsasamang ito ng apat.

At sa Hunyo 11, magsasabay ang concert ng mega-star na si Sharon Cuneta (sa Shrine Auditorium) at ng "Return of the Champions" (sa Grand Olympic pa rin) na pinangungunahan ni Sarah Geronimo, kasama sina Christian Bautista, Mark Bautista, Rachel Anne Go, atbp.! Sa karamihan ng mga shows sa Los Angeles ay hindi maiiwasan na magka-tapat ang ilan. Tiyak na mahihirapan ang manunood kung sino ang kanilang panonoorin. Si Mega kaya ang mas papasukin ng tao o ang pangkat ni Sarah Geronimo? Abangan natin!

Sa buwan ng Hulyo, ilulunsad ng GMA network ang promosyon sa Los Angeles para sa pagkakaroon ng GMA Filipino Channel sa Estados Unidos. Dinig ko'y darating ang mga artista mula sa SOP at Eat Bulaga. Sa Setyembre naman, inihahanda na rin ang back-to-back concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano. At sakaling maga-gawi kayo ng Las Vegas, huwag ninyong kaliligtaan na panoorin ang pagbabalik ni Lani Misalucha kasama ng Society of Seven sa Jubilee Theatre ng Bally's Casino.

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Mixed ang reaksyon ng mga nagpunta sa concert ni Lea Salonga sa Universal Amphitheatre nitong nakaraang Sabado (Marso 5). Dalawa lamang ang kinantang Tagalog ni Lea. In-anunsyo na niya ito sa unang bahagi pa lamang ng pagtatanghal. May Part 1 at Part II ang concert, nagkaroon ng 15 minuto'ng break sa gitna. Nag-walk-out ang dalawang katabi namin bago magsimula ang ikalawang segment dahil hindi daw sila maka-relate sa mga Broadway songs na kinanta ni Lea. In fairness to Lea, sa kanyang mga spiels bago siya kumanta, ay binanggit naman niya ang mga titulo nito.

Hindi maikakaila na pitch-perfect ang boses ni Lea dahil sa aral ang boses nito at nahasa sa Broadway. Maliwanag din ang pagkakabigkas ng bawa't liriko hindi katulad ng ibang mga manganganta na halos kainin ang mga iniluluwal sa bibig.

Para sa mga nakaka-intindi ng mga Broadway songs, magaling ang pagkakasalansan at pili ang mga kinanta niya. Pero sa unang bahagi, arogante ang dating nito nang lekturan niya ang mga manonood sa pagkuha ng kamera. Pinangunahan at pinagsabihan niya ang mga manonood na walang kokodak habang siya'y nagpi-perform, dahil nadi-distract siya kapag may mga flashes habang siya'y kumakanta at matalas daw ang kanyang mata kaya makikita nito kung sino'ng mangangahas na gumawa nito. Idinagdag pa nito na may mga "house photographers" naman daw. Pinagsabihan din niya na patayin lahat ang mga "cellphones".

Binigyan ng "All Access Pass" ang isa sa mga house photographers, nguni't hindi naman ito pinapasok sa backstage. Nakausap nito si Lea bago ang concert at nag-dialogue pa daw si Lea at ibinilin na sa gusto niyang anggulo ang dapat nito'ng kunan.

Hindi lumabas kaagad ang posters sa mga Pilipino establishments at ang mga advertisements ng concert ni Lea. Marami tuloy ang nagta-tanong kung tuloy pa ito, tatlong Linggo bago ang nakatakdang konsiyerto. Hindi napuno ni Lea ang Universal Amphitheatre. Ayon mismo sa mga tumulong sa bentahan ay mga two-thirds lang ang expected nila. Mas marami pa yata ang galing sa mga libreng tiket na ipinamahagi ng sponsor nito'ng Northwest Airlines. Bumaba ang mga tao sa itaas dahil marami ang butas sa ibaba. Ang tanong ng iba: bakit daw nagpaka-mainstream sa venue gayong hindi naman niya ito mapupuno. Nag-advertise sila sa L.A. Times pero napakaliit naman. Inaasahan kaya niya na marami siyang tagahanga sa mainstream? Obvious daw na ang mga taong naka-appreciate sa concert na ito ay pawang mga tagahanga o kakilala lamang niya.

Hindi nagpa-preskon sa Filipino community at sa aking pagkaka-alam ay kailangang mag-daan sa BWR publicity ang press tickets kaya wala halos na Filipino press media ang nakatanggap ng libreng tiket.

Suma-total, hands-up ako sa presentasyon at kagalingan ni Lea, pero marami akong agam-agam sa prodyuser nito at kay Lea Salonga, base sa aking mga naririnig na alingasngas. Ganoon pa man, binibigyan ko ng kredito ang prodyuser nito, dahil hindi matatawaran at hindi biro ang mag-prodyus ng ganito kalaking konsiyerto. Bukas ang kolum na ito sa anumang kuru-kuro. Mag-e-mail sa carnay25@yahoo.com (Mga kuha ni Sthanley Mirador/Shooting Star)


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME