HOME       |      ABOUT US       |        UPCOMING SHOWS/EVENTS       |        PHOTO ARCHIVE      |      CONTACT US

2005 Archives

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Los Angeles, California -- Nakapagtatakang ina-anunsyo ng ilang mga programa sa ABS-CBN sa Pilipinas, at napanood rin sa TFC (na ini-endorso pa ng ilang mga kilalang singers at mga artista ng Dos) na tatapatan nila ang Hulyo 16 at 23 na launching ng GMA Pinoy TV sa Amerika, samantalang wala man lang makapagsabi kung saan at kailan talaga gaganapin ang ASAP at The Buzz dito sa Amerika. Balitang hindi raw makahanap ng venue ang organizer ng Dos at sa park na lang ito gagawin dahil napakamahal ng mga malalaking venue rito sa L.A.

Ipinangangalandakan ng Dos na libre ang magiging tiket sa tatlong inihahandang pantapat na presentasyon ng GMA 7 (Eat Bulaga-Pala Casino sa Hulyo 1; SOP sa The Forum sa Hulyo 16; at SOP sa Bill Graham Auditorium sa SFO). Ayon sa mga GMA fanatics na aking nakausap, inililigaw daw lamang ba ng Dos ang mga tao para hindi bumili ng tiket para sa launching ng GMA 7? Maliwanag daw na gustong i-sabotahe ng Dos ang Siyete sa pag-la-launch nito ng cable sa Amerika na kung titingnan, ay sila yata ngayon ang naka-karma.

Hindi pa pumuputok ang balita na hindi makararating si Willie Revillame sa SFO para sa Wowowee presentation nitong nakaraang Linggo (Hunyo 19) ay may nag-chika dito na hindi raw ito binigyan ng U.S. visa dahil sa pagka-antipatiko at pilosopo nito habang kausap ang U.S. konsul sa Pilipinas. Ang press release ay hindi makararating si Willie dahil sa maselan ang pagbubuntis ng asawa nito. Nakapagtatakang naghintay pa si Willie ng last minute bago ito nag-beg-off -- na hindi siya makararating?

Ang siste nito, ang mga artistang ipadadala para sa ASAP '05 at The Buzz ay hindi naman daw available sa dalawang araw na itinakda, at alam ng iba na may natanguan nang ibang commitment ang mga artistang ito. Hindi kaya maulit lang at mapahiya muli ang Dos sa malaking hamon na ito? May mga visa na ba ang mga talents na ito? Ganoon ba kadali, samantalang halos tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang tapatang mangyayari?

Tsk, tsk … nadala na ang ilang supporters ng TFC nang huli itong magpa-garbo ng presentasyon sa San Francisco. Bukod sa hindi dumating ang mga ipinangako nilang stars ay nainip at nagutom ang mga tao dahil ang sinasabi nilang non-stop "via satellite" presentation ay "putol-putol" at nakaiinip.

Ang hindi ko lang maubos-maisip ay kung bakit kailangang tapatan ng Dos ang inihahandang launch ng kabilang istasyon. Hindi kaya masyado silang "insecure" sa pagdating ng GMA 7 dito sa Amerika? Tuloy, hindi sila magkanda-ugaga dahil sa malapit na ang nakatakdang presentasyon ay wala pa itong venue at hindi pa solido ang marketing strategy. Ni isa man sa "press media" sa Amerika ay walang naka-aalam kung kailan at saan ito gaganapin. Sinubukan kong kontakin ang TFC International nguni't walang naglakas-loob na magbalik ng aking tawag. Walang makapagsabi kung saan ang lugar ng pagtatanghalan ng ASAP '05 at The Buzz.

Matagal nang nag-pa-advertise sa mga diyaryo ang GMA 7 para sa GMA Pinoy TV -USA launching. Ini-hilera na kung sino-sinong mga artista ang darating para sumuporta sa GMA 7 Launch sa The Forum. Masayang ibinalita ng organizer sa akin kahapon na kabilang sa mga idinagdag na makakasamang darating (na hindi pa naka-advetise) ay sina Billy Joe Crawford, Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Joey Albert, at magkakaroon ng special "taped" participation si Lani Misaluch mula sa Las Vegas.

Ang "GMA Fiesta," isang maghapong kasayahan sa The Forum (3900 W. Manchester Blvd., Inglewood, CA 90305) ay magtatampok ng tatlong malalaking contests: "Battle of the Bands", "GMA Pinoy Idol" (singing contest), at "King & Queen of Ballroom Dancing," simula alas-diyes ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon. Ang malaking concert na tatampukan ng mahigit dalawampung stars mula sa GMA ward of talents ay magsisimula ng alas-siyete sa loob ng The Forum. Magkakaroon ng iba't-ibang "booth" ang mga sponsors. Maglilibot ang mga stars sa maghapon para sa "autograph signing."


Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

Punong-puno ang Shrine Auditorium nitong nakaraang Sabado (Hunyo 11) dahil sa L.A. Mega Concert ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta. For the record, si Sharon pa lamang ang nag-iisang Filipino performer na nakapuno ng Shrine Auditorium. Nang una itong magtanghal sa Shrine ay binigyan pa ito ng "key of Los Angeles" ng dating mayor na si Tom Bradley. And true to this -- si Sharon lamang ang nag-iisang Filipino performer na may poster sa loob ng Shrine auditorium kahanay ng mga mainstream performers, makikita mo ito sa dinding sa loob ng Shrine Auditorium.

Isang magandang halimbawa ang ginawa ni Sharon. Pinili niyang puro tagalog OPM songs ang isama sa kanyang repertwa. Ito ang mga nais marinig ng mga Pilipino, hindi ang mga kantang Ingles na kopya sa mga popular artists. Naririnig na namin 'yan dito at hindi na kailangang pang marinig ang ibang bersyon. Mas sabik ang mga manonood na marinig ang mga orihinal na mga kanta ng mga Pilipino kaya naman hit sa madla ang "The Greatest Hitmakers" at "Jukebox Queens Concert" - di ba naman? Dahil nami-miss nila ang mga dating pinasikat nito. Alam 'nyo naman ang mga Pilipino, mahilig sa mga sentimental at makabayang kanta.

Nagustuhan ko ang segment kung saan lumabas sa screen ang mga dating leading men sa pelikula ni Shawie: Boyet de Leon, ang nasirang FPJ, Goma, Buboy, Rudy Fernandez, Edu Manzano, Rowell Santiago, Bong Revilla, Robin Padilla, at ang pinakamalakas ang palakpak - Gabby Concepcion! Nakaaliw ang dueto ng ilan sa kanila habang sabay-na-sabay naman si Sharon habang nagkokomento at kumakanta. Ito ang isang bahagi ng presentasyon na hindi pa ginagawa ng mga major Pilipino artists na nag-concerts dito. Wagi ito dahil alam mong "hindi tinipid" at talagang pinaghandaan ni Sharon ang kanyang concert!

Sinorpresa ni Jim Brickman si Sharon at nag-dueto ito ng "Valentine" (pinasikat ni Jim Brickman at Martina McBride). Umakyat din ng impromptu si TF (Fanny Serrano) na gumawa ng dalawa sa tatlong gown ni Sharon at nag-ayos rin sa kanya. Binati ng dalawa sina Ogie Diaz (host ng ETK, Magandang Umaga Bayan, Showbiz No. 1 ng ABS-CBN) at si Ron Bilaro, ang Pilipino na personal chef ni Oprah Winfrey na naroon nang gabing iyon. Umakyat at tinawag din ni Sharon ang STAR SEARCH Champion na si Mark Mejia (nag-sample ito ng kantang "MacArthur's Park").

Umindak at nagsayawan ang mga tao nang kantahin ni Ogie Alcasid ang VST medley. Kwela rin ang pagpapatawa nito. Ipinakita nito ang tatlong klase ng "smile" na parati nitong gamit: "ala-Richard Gomez," "ala-Aga Muhlach," at ang nag-iisang "Ogie Alcasid smile."

Hindi nagpahuli si Fe de los Reyes. Bukod sa napakagaling sa komedi, kumakanta pa! Pero hindi ito ang ikinabibilib ko kay Fe, bukod sa abilidad nitong mapatawa ang kanyang audience ay very creative at may production value ang mga naiisip nito sa tuwing mag-pe-perform dito sa L.A. Akalain mong i-rap ang "Pamulinawen?" Kwelang-kwela rin ang kuwento nito na "Iba talaga ang mga Pinoy sa Amerika."

Hindi ko nagustuhan ang bersyon ni Robert Seña ng "Phantom of the Opera." Medyo hindi maganda ang pasok nito sa unang kanta nito. Okey lang ang pasok nito sa dueto nila ni Sharon ng "The Prayer." Sa segment na ito, namataan kong nagpapahid ng luha at umi-iyak si Mommy Elaine Cuneta. Dahil siguro sa mga film clips ni Mayor Pablo Cuneta, ang nasirang ama ni Sharon.

Katabi ni Mommy Elaine Cuneta sina Kiko Pangilinan at ang dalawang anak nito. Inihandog ni Sharon ang "Ikaw" sa asawa nitong si Kiko Pangilinan, at ipinagdiinan na hindi "corrupt" si Kiko sa lahat ng politician na nakilala niya.

Napaiyak ang marami at binigyan si Sharon ng "standing ovation" pagkatapos nitong kantahin ang "Ako Ay Pilipino." Madamdamin at nakaka-durog ng puso ang mga tinuran ni Sharon para sa ating mga kababayan sa Pilipinas. Bakit ganoon, kapag si Sharon ang nagsalita, parang tumatagos at ramdam na ramdam mo ang kanyang sinseridad? Ito siguro ang ikinaiba ni Sharon sa lahat ng mga nag-perform dito sa L.A. Hindi siya 'yong basta na lamang nag-perform. Tama ka Shawie, katulad ng sabi mo sa presscon - "It will be an experience." And we reall did have a great time! Mabuhay ka Mega, at maraming salamat sa hatid mo sa amin! Tingnan ang pruweba sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos.


Repeat Performance ng Jukebox Queens; Second set ng U.S. tour nakahanda na!

DUE TO INSISTANT PUBLIC DEMAND, magkakaroon ng repeat performance ang "JUKEBOX QUEENS LIVE!" sa Hunyo 24, sa Hollywood Park Casino (3883 West Century Blvd., Inglewood, CA 90303). All proceeds will go to its beneficiaries: The Homeless Center in Del Monte City (through Imelda Papin Foundation) and the L.A. Executive Lions Club Medical Mission in the Philippines.

Itinakda na rin sa buwan ng Oktubre 2005, ang pangngalawang tour ng Jukebox Queens. Apat na ang siguradong cities na pupuntahan nito. Sinuman ang interesado sa Jukebox Queens 2 U.S. Tour ay tumawag sa (323) 661-8994 o mag-email dito sa carnay25@yahoo.com


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME