HOME

|

ABOUT US

|

FULL LINE-UP
SHOWS/EVENTS

|

ENTERTAINMENT
NEWS ARTICLES

|

NOTES &
REVIEWS

|

PHOTO
ARCHIVE

|

CONTACT US

2006 Archives

Ian Gamazon at Neill dela Llana, mga director ng CAVITE, nanalo ng IFC/Acura Someone to Watch Award

Casting call for two new TV series in the Philippines!

2006 BODYSHOTS-USA Winners

Cheryl Burke interview

Paalam, Gary Bautista!

Selen at Ruffa - Bati na Talaga!

Miguel Vera, binigyan ng parangal sa 8th annual Celebration 2006

Dalawang Half-Pinay sa "Dancing with the Stars"

Happy Birthday, Dr. Vicki Belo

2005 Archives

Michael Copon wins VH1's "But Can They Sing?"

Apl ng Black Eyed Peas Birthday Bash-Party sa The Highlands

Chris Friel, tinanghal na bagong Ginoong Pilipinas USA 2006

Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas Tumanggap ng Golden Reflections Award!

Bubble Gang, klik sa mga tao!

Raymond Bagatsing kasama sa "What A Wonderful Place," ang Oscar entry ng Israel

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Paalam, Gary Bautista!
Enero 31, 2006

Nakabibigla ang pagkamatay ng singer na si Gary Bautista na miyembro ng Society of Seven. Na-stroke ito habang nag-pe-perform sa double celebration (ika-25th wedding anniversary at 50th birthday celebration) ng mag-asawang Mendrei at Cecile Leelin, may-ari ng Goldilocks chain of bake shops at kasama sa grupo ng Rosy Cheeks Productions, ang managing team nina Lani Misalucha at ng SOS sa Las Vegas. Ginanap ito sa Westridge Country Club nuong Enero 28, sa La Habra, California. Imbitado rin ako sa okasyon nguni't hindi ako tumango dahil sa akala ko'y maka-a-attend ako ng DGA Awards. Um-attend at nag-perform din si Martin Nievera na siyang sumapo kay Gary sa kinatatayuan nito nang ito'y bumagsak.

Nagkaroon ng blood clot sa brain si Gary at comatose ito hanggang sa pasyahan ng mga malalapit na tao sa buhay ni Gary na bunutin na ang plug para kitlin ang buhay nito. Tatlong doktor ang sumang-ayon na wala na'ng pag-asang manumbalik ang dati nitong matinong kalagayan.

Naiwan ni Gary ang kanyang maybahay na si Rizza at dalawang anak (Satino, 14) at Jewel (10) na kasalukuyang nakatira sa Hawaii, kasama ng una nitong asawang si Julia. Sa Palms Mortuary GreenValley and Memorial Park (7600 Eastern) sa Las Vegas, sa Pebrero 4, alas tres ng hapon ang internment ni Gary Bautista. Magkakaroon ng viewing sa Huwebes, Biyernes, at Sabado.

Maraming nalulungkot sa pagkawala ni Gary Bautista. Sa mga nakapanood ng show ng SOS with Lani Misalucha, hindi nila malilimutan ang bersyon nito ng "12th Day of Christmas" at ang spoof nilang dalawa ni Lani kina "Sonny and Cher," at sa panggagaya nito sa napakaraming boses ng mga kilalang perosnalidad katulad ng dating Pangulong Marcos, Willie Nelson, Dean Martin, at marami pang iba.

Pagkatapos ng matagumpay na stint ng SOS with Lani Misalucha sa Bally's-Las Vegas, nakatakdang mag-perform sina Lani Misalucha at ang SOS sa Texas sa Pebrero 11, at ilan rin sa Hawaii. Sa Marso ay may concerts din ang mga ito sa San Diego (Marso 19) at Sacramento, CA (Marso 31). Dalawang konsiyerto rin ang naghihintay sa Maynila at Cebu bago ito babalik sa Las Vegas para pumirma ng bagong kontrata sa isang malaking venue.

Importante: Binibigyan ng babala ng Rosy Cheeks Productions, ang dalawang babaeng biglang pumasok sa silid ni Gary Bautista at nagkukuhang bigla ng mga litrato ni Gary habang ito'y naka-comatose, pati na ang asawa nitong nagdadalamhati. Hindi nila kakilala ang mga ito na bigla na lamang pumasok sa kuwarto at hindi man nagpakilala. Kung lalabas sa anumang pahayagan o sa internet ang mga kuhang ito ay gagawa sila ng aksyon para maparusahan ito. Nanghihingi rin ng pang-unawa ang mga ito sa media na igalang nito at huwag ilabas ang mga naturang mga litrato.

*****

Selen at Ruffa - Bati na Talaga!
Pebrero 1, 2006

Nag-e-mail si Ruffa Gutierrez sa akin para ibalita na nag-ka-ayos na talaga sila ni Selen (ang dating ka-relasyon ng asawa nitong si Yilmaz Bektas na may anak sa huli nang hindi pa sila kasal ni Ruffa). Um-attend si Ruffa kasama ang dalawa nitong anak na sina Lorin at Venice sa ika-8th birthday ng anak ni Yilmaz kay Selen na si Ilknaz. Naging malapit kay Ruffa ang bata dahil madalas bumisita si Ilknaz sa bahay nina Ruffa at Yilmaz kasama nina Lorin at Venice. Nakikita ni Selen na malapit rin si Ilknaz sa mga kapatid nito sa ama at hindi rin iba ang turing ni Ruffa sa bata. Napagtanto siguro ni Selen na mabait talaga si Ruffa at natanggap na nito na si Ruffa talaga ang karapat-dapat para kay Yilmaz. Narito ang maikling pahayag ni Ruffa:

Date: Saturday, January 21, 2006
Where: Bektas Residence:Istanbul, Turkey
Time:3-7PM
Dear Friends,
Happy Chinese New Year to all! Hope you enjoy browsing through this album. Not only did Ilknaz celebrate with her sisters, Lorin & Venice, for the first time...it was a day of peace & a new beginning. I can't tell you how liberating it was for me to make amends with someone who has affected me so negativeiy in the past....check out the photos and you'll know what I mean :)) A truly positive way to start the year of the dog!! Happy Viewing and see you all soon!
All the best,
Ruffa

(Tingnan sa web site ko ang mga litrato: www.picturetrail.com/olivercarnayphotos)

*****

Miguel Vera, binigyan ng parangal sa 8th annual Celebration 2006
Pebrero 1, 2006

Binigyan ng parangal si Miguel Vera ng Celebration Pasinaya 2006, ang taunang award-giving body na likha ng ating kaibigang L.A. columnist at publisher ng Celebrity Chronicle na si Tony Vizmonte. Tinanggap ni Miguel Vera ang Marilou Cervas Agraviador Popera Memorial Award nuong Sabado, Enero 28 bilang pagtanda sa binuong foundation ni Gng Popera. Ang Marilou Cervas Agraviador Popera Memorial Foundation, Inc. ay naka-rehistro sa Pilipinas bilang non-profit organization na tumutulong sa mga biktima ng sakit na cancer. Nagbibigay din ito ng assistance para sa mga batang mag-aaral at pagtulong sa skill development ng mga ito.

Base si Miguel Vera sa Los Angeles at may mga shows ito na naka-line-up sa California. Kabilang dito ang back to back show nila ni Dessa sa Pebrero 11 sa Glendale, CA. Gusto ni Miguel pasukin ang L.A. musical stage….. Narito ang ilan sa mga tumanggap ng award sa ika-walong pagtatanghal ng Celebration 2006: Nora Aunor: Newsmaker of the Year; Manny Pacquiao: Person of the Year; Best Male Entertainer of the Year: Gary Valenciano; Best Female Entertainer of the Year: Sharon Cuneta; Best Group Entertainer of the Year: Return of the Greatest Hitmakers (Rico Puno, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Rey Valera, at Marco Sison); Best Comedy Group of the Year: Bubble Gang-Live in L.A.; Breakthrough Performance of the Year: Christian Bautista (for Return of the Champions); Breakthrough Performance of the Year: Marissa Sanchez (Return of the Champions); Producer of the Year: Ms. Ana Co Puno (Regine & Pops); Concert of the Year: GaryV @ 22; Best Amplified Band: Anapolis Band.

*****

Dalawang Half-Pinay sa "Dancing with the Stars"
Posted 1-10-06

Ang magandang aktres at singer na si Tia Carrere at ang propesyunal na Ballroom Dancing Champ na si Cheryl Burke ang dalawang part-Pinay na kasali sa pangalawang season ng "Dancing with the Stars" na nagsimula noong Enero 5 sa ABC (Channel 7, Los Angeles).

Sa unang pagtatanghal nito ay pinakamataas na score ang naabot ng mag-partner na Cheryl Burke at Drew Lachey (kapatid ng sikat na singer ng 98 Degrees na si Nick Lachey), na sumayaw ng Cha Cha. Hindi rin nag-pahuli si Tia Carrere at ang kapartner nitong Russian Ballroom Dancing Champ na si Max Chmerkovskiy na sumayaw ng Waltz. Sampung pares ang nagsimulang maglaban kung saan Cha-Cha at Waltz ang napiling unang klase ng sayaw na naipamalas ng mga naglaban-laban.

Kabilang sa mga sumaling celebrities na binigyan ng kanya-kanyang kapartner na magagaling na World Champ Ballroom Dancers ay ang Oscar Awardee na si Tatum O'Neal, si Drew Lachey (partner ng half-Pinay at World Champ na si Cheryl Burke), ang aktor na si George Hamilton; ang television journalist at writer/producer na si Giselle Fernandez, ang record producer na si Master P (nag-pitch in sa anak nitong si "Lil" Romeo na may karamdaman), ang ESPN anchor na si Kenny Mayne (na siyang unang na-eliminate at ang partner nitong si Andrea Hale), ang futbol player na si Jerry Rice, ang half-Pinay na si Tia Carrere, ang babaing wrestler na si Stacy Kiebler, at ang artistang si Lisa Rinna.

Si Tia Carrere na Hawaiian-Chinese-Spanish-Filipino ay bokal sa pagsasabing Pilipina siya. Pangarap niyang maging isang tanyag na singer pero napasabak ito bilang aktres sa una nitong pelikula nang ito'y labimpitong taong gulang, ang "Aloha Summer." Lumipat ito sa Los Angeles bago ito napasama sa tv soap na General Hospital, nguni't nakilala ito ng lubusan sa pelikula ni Mike Myers na Wayne World. Naka-partner din nito si Arnold Schwarzenegger sa pelikulang "True Lies." Si Tia ang nag-voice over sa papel na "Nani" sa "Lilo & Stitch" at naging "Queen Tyrani" sa "Duck Dodgers." Nag-release na solo album si Tia na ang pamagat ay "Dream" nuong 1993. Tinanghal si Tia bilang one of Most 50 Beautiful People ng People's Magazine nuong 1992. Kapapanganak lamang nito ng una nitong supling na tinawag niyang Bianca, sa asawa nitong si Simon Wakelin bago ito napasali sa "Dancing with the Stars."

Si Cheryl Burke ay lumaki sa Bay Area sa San Francisco. Bata pa ay mahilig na itong sumayaw. Kumuha ito ng ballet lessons nang ito'y apat na taong gulang. Sa edad na sampu ay nag-shift ito sa ballroom dancing hanggang nagkainteres ito sa Latin at standard dance sa edad na labintatlong taong gulang. Mula noon ay nakarating ito sa iba't-ibang bansa para makipag-kumpetensya sa mga international ballroom dance competition. Nitong 2005 ay tinanghal siya bilang 2005 World Cup Professional Rising Star Latin Champion. Base si Cheryl sa New York, habang nagtuturo ay lumalaban pa rin ito sa iba't ibang kumpetisyon.

Sa isa nitong sinalihan, naimbitahan itong mag-audisyon para sa "Dancing with the Stars." Inoperan siyang bibigyan ng spot, pero hindi sinabi sa kanya kung sino ang kanyang maka-kapareha.

Ang "Dancing with the Stars" ay mapapanood sa ABC 7 tuwing Huwebes ng gabi, ala-otso ng gabi (L.A. time). Maari kayong bumoto sa ifa-flash na numero habang pinanonood ito o kaya ay sa online. Maari ninyong malaman ang ibang detalye sa web site na www.abc.go.com at hanapin ang "Dancing with the Stars".

*****

Happy Birthday, Dr. Vicki Belo!
Posted 1-10-06

Binabati ko ang tinaguriang "Asia's Ambassador of Beauty," ang aming kaibigang si Dr. Vicki Belo ng "Maligayang Kaarawan" (January 25). Sinusulat ko ito ay parating ang magandang proprietor ng kilalang Belo Medical Group sa Los Angeles.

Ang nangunguna at pinakatanyag na beauty expert ng Pilipinas ay madalas umalis ng Pilipinas dahil naa-anyayahan ito sa iba't-ibang panig ng mundo para magbigay ng kaalaman sa pinaka-latest na teknolohiya sa larangan ng pagpapaganda.

Si Vicki Belo ang kauna-unahang doctor na nagpasimula ng laser technology sa Pilipinas matapos itong mag-aral at kumuha ng diploma sa Bangkok, Thailand. Nagsaliksik rin ito hanggang Harvard University at iba pang mga institusyon para sa sapat na kaalaman ng modernong paraan ng pagpapaganda. Hanggang ngayon, lumilibot si Dr. Belo, mula Italya, Hong Kong, Japan, Thailand, sa buong Asya, Europa, at Estados Unidos para dalhin sa Pilipinas ang pinaka-latest na gamit sa laser cosmetic surgery.

Ang Smart Lipo, isang pamamaraan ng liposuction nang hindi tinutusok ang katawan bagkus ay tinutunaw nito ang taba sa katawan sa pamamagitan ng laser ang kahu-hulihang modernong instrumento ang dinala ni Dr. Belo sa Pilipinas.

Sa web site na www.BeloMed.com ay maari kayong magtanong sa alinmang proseso na gusto ninyong isangguni. Makikita sa web address na ito ang iba't ibang services na ibinibigay ng Belo Medical Group na kasalukuyang may anim na sangay sa Maynila. Para sa mga naninirahan sa Estados Unidos, abangan sa pinakamalapit ninyong lugar ang pagdating ni Dr. Belo. Makipag-ugnayan sa akin (carnay25@yahoo.com) kung gusto ninyong mag-conduct ng "Beauty Day" seminar sa inyong lugar.

*****

Maligayang bati muli sa ika-18th birthday ni Xeres Aquino! Naganap ang selebrasyon sa 310 Club and Restaurant na pinamamahalaan ni Leila Aquino, ang butihing ina ni Xeres at ang ama nito na naroon rin. Dumalo at tumulong sa okasyon sina Monet Lu, Sonny Madera (ang host ng gabing iyon), at nag-escort kay Xeres ang bagong Ginoong Pilipinas-USA na si Chris Friel (na umalis patungong Maynila nitong nakaraang Martes para magbakasyon ng isang buwan), kasama rin ang mga modelong sina Ken Christianson, Paul Hansen, Mark Rodriguez, at ang mga malalapit na kaibigan ni Xeres na naghandog ng labing-walong kandila at mga rosas. Ang hindi ko malimot-limutan ay ang napakagandang "cake" nito. Tingnan ang mga larawan sa web site ko: www.picturetrail.com/olivercarnayphotos


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME