HOME       |      ABOUT US       |        UPCOMING SHOWS/EVENTS       |        PHOTO ARCHIVE      |      CONTACT US

2005 Archives

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Manila's Rendezvous

Dateline: MANILA, Philippines - Napakalaki ng ipinagbago ng Maynila simula nang huli kong pagbabakasyon rito. Kung ihahambing mo ang mga malls sa Los Angeles ay malamang talunin ng Libis (Eastwood City), The Fort, Gateway Mall (tabi ng Araneta Coliseum), SM (North, EDSA, West, atbp), Greenbelt (Makati), Robinson's Galleria chain, atbp. Bukod sa iba't- ibang klase ng entertainment scenes na puwedeng puntahan ng mga turista (Klownz, Zirkoh, Metro Bar, Club Mwah, Laffline, Library, atbp.), ang Malate ay isa lamang sa maraming destinasyon na maaring puntahan. Ang Roxas Blvd. ay maningning din sa gabi dahil sa kabi-kabilang karaoke bars. Sa mga kainan, hindi ka mauubusan ng choices, mapa-Makati, o Timog, ay siguradong makakikita ka ng pagkakaabalahan. Ang sing-a-long bars ay naglipana bawa't kanto. Tunay na kaaliw-aliw ang mga nite spots sa buong Maynila.

GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos!

Sa telebisyon, nagbabaga pa rin ang salpukan ng dalawang malalaking network, ang GMA 7 at ABS-CBN (Channel 2) sa buong Pilipinas. Sa pagdating ng GMA 7 sa Los Angeles sa Hulyo, siguradong mas mabigat ang labanan sa broadcast networking. Iba't ibang happenings ang naranasan ko sa maikling bakasyon sa Maynila.

Linggo (Pebrero 20), nasaksihan ko ang Final Judgement ng Starstruck (Batch 2) sa Araneta Coliseum. Ang apat na nagtunggali para sa dalawang mapipiling Ultimate Survivors ng GMA 7 ay sina LJ Reyes, CJ Muere, Ryza Cenon, at Mike Tan. Ang dalawang huli ang itinanghal na winners. Halatang pinaghandaan ang presentasyon. May partisipasyon ang lahat ng labing-apat na Starstruck survivors kasama ng Starstruck Kids. Host pa rin sina Dingdong Dantes at Jolina Magdangal at guests sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Berwin Meilly, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Nadine Samonte, Jennilyn Mercado, Ruffa Mae Quinto, at sumayaw rin ng "sexy" dance number si Karylle (kasama si Dingodong). Sa ratings guide, halos nauungusan ng GMA 7 ang ABS-CBN sa lahat ng programa. Nakatulong sa popularidad ng mga artista sa ABS-CBN na makilala sa pamamagitan ng TFC. Sa paglulunsad ng GMA 7 sa ere dito sa mainstream, maungusan din kaya nila ang popularidad ng mga artista sa "kabilang" istasyon na nasa kanilang mga kuwadra?

Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP!

Natutuwa ako't nagkabati kami ng bagong halal na presidente ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na si Joe Barrameda. Nagkaroon man kami ng hidwaan (dahil sa isinulat kong "Night of the Amateurs") ay naayos ito sa tulong ng malalapit naming kaibigan. Nangyari ito sa press conference ng "BORA", ang bagong television show sa Channel 2 na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Bernard Palanca, Luis Manzano, at Roderick Paulate.

Nguni't ang aking kasiyahan ay nauwi sa lungkot, dahil sa panibagong "kontrobersiya". Sa SOP, Sabado, nagpunta ako sa dressing room para besohin sandali si Ogie Alcasid nang tawagin ako ni Jaya. Akala ko'y tsitsikahin niya ako, pero sinita niya ako tungkol sa sumbong daw ng kapatid niyang si Susan (based sa San Francisco). Sinabi daw nito na ako ang nagkalat, sa pamamagitan ng artikulo ko ---na "flop daw ang isang concert" niya. Nagulat ako dahil akala ko'y nagbibiro lamang siya nuong una pero matigas ang mukha niya.

Nagpaliwanag ako'ng "wala akong isinusulat na ganoon at kaya ko'ng patunayan ito". Napahiya ako dahil nakaharap pa naman si Regine at Ogie at maraming tao sa dressing room. Bago mag-init ang ulo ko't magtaray din ako ay inawat na ng kaibigan kong si Jun Lalin ang konprontasyong nangyari. Paglabas ay napagwari kong hindi niya dapat ginawa ang ganoon dahil baka isipin ng ibang nakaririnig na ako'y isang reporter/writer na intrigero. Sa aking pagkakaalam, pinuri ko pa nga ang "performance" niya sa nakaraang Freestyle - "Trick or Treat" sa Grand Olympic Auditorium nitong nakaraang Nobyembre 2004 at ipri-nomote ang darating na tour kasama ng kanyang ina'ng si Elizabeth Ramsey (Tingnan sa www.carouselpinoy.com), kahit na naglalabasan ang balitang "flop" nga ang concert. Sinabi ko sa kanya na NEVER ako'ng nagsulat ng bad reviews dahil kung hindi ko nagustuhan ang concert ay hindi ko na lang ito isinusulat, at kung nagustuhan ko man ito ay duon lang ako nagre-rave.

Masama ang loob ko'ng umalis. Sana, magsaliksik at patunayan muna ni Jaya ang alegasyon ng kanyang kapatid, bago siya mangompronta ng tao. Hiyain ba naman ako sa harap ng ibang tao! Hmph, ganyan naman ang ibang mga singers, chikadora sa press con pero pagkatapos ng show nila, may mga "tamang kalimot". E, kung 'yong pagbigay ko sa kanya ng relo nuong hindi pa siya nagsisimulang makilala at kumakanta pa siya sa isang maliit na karinderya along Glendale Blvd. ay hindi niya naalala! Hindi na nga marunong magpasalamat sa "positive write-ups", pagbibintangan ka pa ng masama!

Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded!

Sa paanyaya ng bagong PMPC President na si Joe Barrameda, huli man ay nakahabol kami ni Jun Lalin sa birthday party ni Jinggoy na ginanap sa Toys for the Big Boys, malapit sa kanto ng Ortigas Ave. at Wilson Street. Hindi man namin inabutan sina Susan Roces, Barbara Perez, at ibang paboritong mga artista ay nasulit ito nang kumanta nang duweto nina Mayor Vi at Bobot (Edgar Mortiz), at Mayor Vi at Ralph Recto, isang di malilimutang karanasan dahil bihira ang ganitong okasyon. Kumanta rin ng solo sina Ruffa Mae Quinto, Ara Mina. Nagduweto rin sina Bong Revilla at ang butihing maybahay ni Jinggoy (na sumalubong sa amin) na si Precy. Naroon rin sina Laurice Guillen, Tirso Cruz III, Lyn Ynchausti, Johnny Delgado, Christopher de Leon, Sandy Andolong, Eddie Gutierrez, Eddie Garcia, Gardo Versoza, Jean Garcia, Alicia Meyer, Dolly Ann Carvajal, Cristy Fermin, Cogie Domingo, Jude Estrada, Yul Servo, at marami pang iba.

     

Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Sa hanay ng mga tinanghal na reality singing contest winners, tanging si Christian Bautista (Star In A Million) ang higit na namamayagpag sa mga kasabayan nito. Sikat na sikat ito ngayon maging sa Thailand, Indonesia, at India dahil sa mga pinasikat nitong mga hits, kabilang ang "The Way You Look At Me," "Hands To Heaven," at "Colour Me Everywhere". Ang huli ang ang siyang magiging titulo ng kauna-unahang solo concert niya sa Araneta Coliseum sa Marso 5, 2005.

"Bising-bisi talaga ako ngayon dahil sa paghahanda sa first big concert ko sa Araneta. Gulat nga ako dahil parang napakabilis ng mga pangyayari, kaya kailangan talagang dapat paghandaan itong first major concert ko. Medyo excited pero pressured din!" ang kuwento ni Christian (na mukhang mas payat ngayon kaysa nang huli ko itong makita sa L.A.) nang makasama ko itong mag-lunch sa Marina Restaurant sa may Timog Ave. kasama ng publicist niyang si (tukayong) Oliver, Jun Lalin, at Tita Irene (ina ng GMA talent na si Bettina Carlos, part-owner ng Marina).

Bukod sa nag-double platinum na ang kinita ng kanyang unang album ay tatanggap ito ng Gold Award mula sa Warner Music-Indonesia. Nakapila na rin ang mga tele-seryeng gagawin nito sa ABS-CBN at isang pelikula para sa Star Cinema. Nakatakdang bumalik si Christian Bautista kasama ng ibang Champions sa ikalawang U.S. tour nito.

(Sundan ang iba pang mga larawan sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos. Mag-e-mail sa carnay25@yahoo.com)


Fil-Am Singer Lalaine Scores A Warner Bros. Record Deal!

International television star and singing idol Lalaine is getting more exposures and big breaks in her phenomenal career. Born Lalaine Vergara-Paras, the 17-year-old Fil-Am super-star who made waves after starring as Miranda, the ever-loyal best friend of Hilary Duff in the hit television series Lizzie McGuire has just scored a major recording contract under major label Warner Bros. Records with producer Rob Cavallo. She is currently busy writing songs and soon recording for Warner Bros. This January, one of her songs will be included and released in a Warner Bros. compilation CD.

Lalaine has just finished shooting for Conde Nast/VO5 campaign. Promotions, which will run in different magazines starting April 2005 through January 2006, have an estimated 416 million readers. Major ads will see her six-pages special editions, as featured artist in major ad campaigns including Vogue, Glamour, Self, Allure, Cargo, Teen Vogue, and Jane Details, among others, which will be part of promoting her new upcoming album under Warner Bros. label. She will be touring for "in-store" appearances and "mini-concerts" (tickets to see these "special appearances" will be given away when you buy VO5 products … details soon in major magazines!).

Recently, Lalaine went back to the Philippines (after not visiting for ten years) to shoot a syndicated television show "Flipside". The new show premiered on the Living Asia Channel and will be aired on TFC as well. She is set to return Manila this year to promote her new album, which she wrote and arranged under Warner Bros. Records.

Lalaine has also finished shooting a "behind the scenes" recording session of "Cruella de Ville" for a Disneymania3 compilation, produced by Mitchell Froom. Lalaine's personal commentary is included in the new Lizzie McGuire Season One DVD box-set package. Visit Lalaine's web site at www.lalaine.net.


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME