Mark Figueroa, itinanghal bilang 2007 Ginoong
Pilipinas-USA
Nov. 30, 2006
Itinanghal ang bagong
Ginoong Pilipinas-USA nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 25, 2006, taunang
ginaganap sa Palace of Fine Arts sa San Francisco, California. Ang Fil-Am
na si Mark Figueroa, tubong Chicago, Illinois at isang real estate broker
ang nanalo ng korona. Tinalo nito ang labing-limang kandidato na nagmula
pa sa iba't-ibang panig ng Estados Unidos. Nakuha rin nito ang special award
na Best in Swimwear.
Tatanggap si Mark ng round-trip tiket papunta
ng Pilipinas at pati na rin sa susunod na taunang patimpalak ng Manhunt
International, kung saan affiliated ang taunang Ginoong Pilipinas-USA. Sa
nakaraang Manhunt International na ginanap sa China, nakamit ng 2006 Ginoong
Pilipinas USA winner na si Chris Friel ang dalawang special awards: Mr.
Congeniality at Mr. Friendship.
Sa ika-apat na selebrasyon ng Ginoong
Pilipinas-USA, na pinamumunuan ng
community leader at SFO-based publicist na si Elton
Lugay at ang partner nitong si Thanh Dinh mula sa produksyon nitong Tangerine
Productions, iprinoklama ng mayor ng San Francisco na si Mayor Gavin Newsom,
ang ika-25 ng Nobyembre ay maging opisyal na "Ginoong Pilipinas-USA Day."
Ang plake ng rekognisyon ay inihatid at binasa ni Jason Chan, representatibo
mula sa Mayor's Office ng San Francisco.
Narito ang talaan ng mga nagwagi: 1st runner-up
- Jay-Ar Ignacio (Delano, CA); 2nd runner-up - Ingel Catindig (Milpitas,
CA); 3rd runner-up (also won the special award - Ginoo of the Crowd) Henry
Lee (Daly City, CA); 4th runner-up - Scott Cliffton (Madison, WI).
Nagkaroon din ng preliminary judging nuong
Biyernes (Nobyembre 24) sa Holiday Inn, SFO Civic Center (kung saan naka-pirmi
ang lahat ng mga kandidato) para sa special awards. Ang mga nanalo ay iprinoklama
sa araw ng pagtatanghal. Narito ang mga nagwagi at ang mga kategoryang kanilang
pinanalunan: Best in Barong - Michael Medina (Los Angeles, CA); Best in Formal
- Mark Tomas (Honolulu, Hawaii); Best in Swimwear - Mark Figueroa (Chicago,
Il); Mr. Popularity - Ralph Edward Gauna (El Sobrante, CA); Mr. Photogenic
- Michael Montalban (San Francisco, CA); Mr. Congeniality - Erwin Macasarte
(Las Vegas, Nevada).
Kabilang sa mga hurado
para sa Top 10 at Top Five ay ang mga sumusunod: Rose Chung (President of
Miss Asian-America); Jing Monsanto (Director, PJ Monsanto Foundation); Alvin
Paris (Correspondent, Mabuhay Beauties); Chanh Pham (Producer, Miss Little
Saigon); Bong Prada Lim (Fashion Stylist and Los Angeles' Patron of the Arts);
Tony Vizmonte (publisher, Celebrity Chronicle); Bradford Adkins (Adkins World
Travel); Ram Puno (Producer, Model Search Intl.); Noel Rominque (Publisher,
Philippine Headlines); Jason Chan (representative from the SFO mayor's office);
Dave Tiu (producer, Hataw Pinoy in Chicago, Il.); at ang Chairman of the
Board nito na si Mr. Ferdie Villar (Asian Journal Publications' entertainment
editor - SFO edition).
Nakatutulig na hiyawan at binigyan ng 'standing
ovation' ang special guest performer na si Dessa ng mga manunuod pagkatapos
ng performance nito. Kabilang din sa mga nagbigay aliw sa gabing iyon ay
ilang SFO-based artists: Clementine Dimacali, former Next Phaze member -
Jay Ricz, ang ilang kandidato ng Pinoy Pop Superstars na sina Karissa Campos,
Matthew Lee, at Joyce Buensuceso.
Si Epee Rafanan ng EpeeCenter (epeecenter@aol.com)
ang nag-direk
ng show at ni-line produce ito ni Rina
Alcantara (Prinze Capital Group). Nag-emcee ang mga sumusunod: ang dating
Ginoong Pilipinas-USA 2006 2nd runner-up winner na si Jerald Mutia kasama
ng Miss Asian-America 2006 na si Jennifer Field; ang aktres na si Giovanni
Pico kasama ng Ginoong Pilipinas-USA 2005 winner na si January Reclosado;
katulong din sina Peachy Matias at Tita Aida.
Panauhing pandangal ang aktres na si Juliana
Palermo, na tumulong sa pagbibigay ng mga pangunahing awards sa huling bahagi
ng presentasyon, at si Chris Friel, ang nakaraang Ginoong Pilipinas-USA 2006,
kimg saan pinalakpakan ng husto ang pagparada nito ng naka-swimwear.
Tingnan ang iba pang mga kuha mula sa ika-apat
na pagtatanghal ng Ginoong Pilipinas-USA sa www.HollywoodFlip.com
***************************
Dayanara Torres sa bago nitong tv series
na 'Watch Over Me' na magsisimula sa Disyembre 6 sa MyNetworktv (Channel
13)
Nov. 30, 2006
Nitong nakaraang Linggo,
pagkalapag ng eroplano mula sa Burbank mula sa taunang patimpalak ng Ginoong
Pilipinas-USA ay dumeretso ako sa Hollywood Roosevelt Hotel para interbyuhin
ang dating Miss Universe 1997 na si Dayanara Torres. Kabilang si Dayanara
sa mga naimbitahan para sumakay sa ika-75 na Hollywood Christmas Parade.
Sinabihan ko na ang publicist nito na gusto kong makapanayam ang dating aktres
at tinaguriang "Dancing Queen" ng Pilipinas.
Huli kaming nagkita ni Dayanara sa 'Teen's
Choice Awards' na ginanap sa Universal Amphitheatre nang nakaraang taon.
Sa aming pag-uusap nuon ay nasabi nito'ng lilipat ito ng tirahan sa Los Angeles
dahil magiging bisi ito sa kanyang karir sa Hollywood. Nakatira pa kasi sa
Miami nuon si Dayanara pagkatapos nitong humiwalay sa dati nitong asawang
singer na si Marc Anthony.
Kinumusta ko si 'Yari' (palayaw nito sa mga
malalapit sa kanya) nang magkita kami sa backstage ng Roosevelt Hotel at
kinumusta rin ang dalawa nitong anak na sina Ryan at Christian.
Kagagaling lamang ni Dayanara sa Pilipinas
dahil sa siya ang image model ng Beverly Hills 6750, ang beauty clinic na
pag-aari nina Jessica Rodriguez at David Buenavacz. Limang araw lamang ang
inilagi nito nguni't sinabi nitong nag-enjoy siya nang husto sa kanyang pagdalaw
rito.
Sa bago nitong television series na "Watch
Over Me" na mapapanuod simula sa Disyembre 6, sa MyNetworkTV (mula sa sa
umbrella network nito na Fox Station) pero ipalalabas sa UPN Channel 13 (Los
Angeles) mula 8;00/9:00 central, gaganap ito bilang si Julia Rivera at
makakatrayangulo sa pag-ibig ang mga guwapong aktor na sina Todd Cahoon at
Marc Menard. Kabilang sa mga malalaking artista na kasama ni Dayanara ay
sina Casper Van Dien at Catherine Oxenberg (na kasama nito sa pagsakay sa
float nitong Linggo sa Hollywood Christmas Parade).
Nabanggit ni Dayanara na animnapu't-anim ang
episode na nai-tape ni Dayanara at ipalalabas ito ng halos tatlong taon.
Nakalabas na si Dayanara sa soap na "The Young & The Restless" at bisi
pa rin ito sa pag-promote ng tinapos nitong libro para sa mga bata, na siya
ang may akda. Kasalukuyan pa ring spokesperson si Dayanara ng clothing line
na MetroSeven at sa pagsuporta sa iba't-ibang non-profit organizations sa
Hollywood. Nasabi ni Dayanara na kung may magandang proyekto sa Pilipinas
para bumalik siya ruon ay hindi niya ito maaring mahindian.
Gusto rin ni Dayanara na dalhin ang dalawa
nitong anak sa Pilipinas. Pero kung magkakaroon man ng proyekto ito sa Pilipinas,
imposible siguro'ng mangyaring magtagal sila sa Pilipinas dahil nag-aaral
ang mga anak nito sa Los Angeles at prayoridad nito ang makapiling ang kanyang
mga anak. Maraming plano ang manager at publicist nito para sa Hollywood
career nito. (Go to www.HollywoodFLIP.com for pics from the 75th Hollywood
Christmas Parade)
***************************
Pelikula ni Aureaus Solito na 'Maximo
Oliveros' nominado sa Best Foreign Film category sa IFP Independent Spirit
Awards
Nov. 30, 2006
Katatanggap ko lang ngayon ng magandang balitang
ito mula sa IFP Independent Awards na taunang ginaganap sa isang malaking
tent sa Santa Monica Beach, isang araw bago ang gabi ng maningning na
Oscars®.
Napasama sa Best
Foreign Film category ang The Blossoming of Maximo Oliveros (Ang Pagdadalaga
ni Maximo Oliveros) na dinirek ng aking kaibigang si Auraeus Solito. Ang
pelikulang ito ay umikot na at pinuri ng mga kritiko sa iba't-ibang panig
ng mundo. Humakot na rin ito ng mga awards sa Pilipinas at sa mga sinalihan
nitong film festivals sa iba't ibang bansa.
Ang makakatunggali nito sa darating na 2007
IFP Independent Spirit Film Festival ay ang mga sumusunod: 12:08 East of
Bucharest (Romania, Director: Corneliu Porumboiu); Chronicle of an Escape
(Argentina), Director Israel Adrian Caetano); Days of Glory (Algeria, Director
Rashid Bouchareb); The Lives of Others (Germany, Director Florian Henckel
von Donnersmarck).
Ang 'Maximo' ang kauna-unahang pelikulang
feature film na dinirek ni Auraeus Solito at nang magkasama kami nito sa
Outfest at sa Pilipinas nitong nakaraang Luna Awards, ay nabanggit nito na
hindi pa rin siya makapaniwala na dahil sa pelikulang ito ay halos nalibot
nito ang buong daigdig dahil sa naanyayahan ito at nai-li-libre ang kanyang
pamasahe papunta sa mga bansang itinatanghal ang kanyang pelikula.
Ang IFP Independent Spirit Awards ay mapapanood
ng Live sa IFC (Independent Film Channel) sa Pebrero 24, 2006, Sabado, simula
alas-singko ng hapon (EST).
About OLIVER
CARNAY
With more than a decade of experience in
the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international
Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent,
Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer,
and Concert Booking Agent.
Oliver has written for major publications,
domestic and international, including Asian Journal Publications
(www.asianjournal.com),
BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women
Magazine," available online at
www.balita.com/ and
www.Go4Women.com),
ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern
part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper
- circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published
in northern and southern parts of California.
In San Diego: FAME Magazine and
PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment
column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT
(www.carouselpinoy.com).
He is a contributor for BUZZINE Magazine
(www.buzzine.com),
AUDREY Magazine
(www.audreymagazine.com),
www.siklab.com, PARA TODOS
Magazine, and other L.A. based publications.
He is the Los Angeles correspondent of
Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine
(circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY
GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.
He is an active member of the National
Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association
of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see
www.ppagla.org for member
listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association
of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major
Hollywood events.
Oliver is the Publisher of
www.HollywoodFLIP.com,
an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first
rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to
the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.
Oliver Carnay is the proprietor of
International Artists Production Company established in 1995 where
he had produced, directed concerts and stage plays.
Oliver Carnay is in full blast as a Talent
Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR
& Talent Management
(www.iatalent.com), a
full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster
of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated
artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the
Talent Managers Association
(www.talentmanagers.org).
Email at
Oliver@iatalent.com
HOME |