HOME

|

ABOUT US

|

FULL LINE-UP
SHOWS/EVENTS

|

ENTERTAINMENT
NEWS ARTICLES

|

NOTES &
REVIEWS

|

PHOTO
ARCHIVE

|

CONTACT US

2006 Archives

2006 BODYSHOTS-USA Winners

Cheryl Burke interview

Paalam, Gary Bautista!

Selen at Ruffa - Bati na Talaga!

Miguel Vera, binigyan ng parangal sa 8th annual Celebration 2006

Dalawang Half-Pinay sa "Dancing with the Stars"

Happy Birthday, Dr. Vicki Belo

2005 Archives

Michael Copon wins VH1's "But Can They Sing?"

Apl ng Black Eyed Peas Birthday Bash-Party sa The Highlands

Chris Friel, tinanghal na bagong Ginoong Pilipinas USA 2006

Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas Tumanggap ng Golden Reflections Award!

Bubble Gang, klik sa mga tao!

Raymond Bagatsing kasama sa "What A Wonderful Place," ang Oscar entry ng Israel

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Michael Copon, Nanalo sa reality-based tv show ng VH1 na "But Can They Sing?"; Nag-sign-up ng recording contract kay Lou Pearlman!

Ang Fil-Am aktor na si Michael Copon na nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga Power Rangers at sa programang "One Tree Hill" ng Fox 11 ang nagwagi sa "But Can They Sing?" sa anim na episodyo nito na ipinalabas sa VH1 Channel (tuwing Linggo ng alas-diyes ng gabi) dito sa Los Angeles.

Naglaban ang siyam na mga kontestant, na kinabibilangan nina Bai Ling, Morgan Fairchild, Carmine Gotti Agnello, Antonio Sabato, Jr., ang dating boksingerong si Larry Holmes, Joe Pantoliano, ang model na si Kim Alexis, at ang dating Latinang host at journalist na si Myrka Kellanos. Host ng nasabing palabas si Ahmet Zappa.

Bago ang pinal na pagtatanghal ay binisita ko ang Tribune Studios sa Melrose Avenue, kung saan ginawa ang live delayed telecast nito. Sa gabing iyon ay halos mabingi ako sa tili ng mga kababaihan sa pagsigaw ng mga pangalan nina Carmine at Michael, ang dalawang pinaka-mainit na pangalan para manalo. Sabi pa ng isa, "I think Michael is the only one with a singing talent," ("Si Michael lang naman talaga ang marunong kumanta sa kanila!"). Kapansin-pansin din na si Michael din ang bukod-tanging walang tigil ang pag-pirma ng awtograp sa kanyang mga fans. Katatapos lamang ma-boot out ni Bai Ling. Natira ang tatlo na sina Morgan Fairchild, Carmine Gotti Agnello, at Michael Copon sa pinale.

Nabalitaan ko na lamang na si Michael ang nanalo at nag-e-mail kaagad ako kay Michael para tanungin kung ano ang pakiramdam niya sa kanyang pagkakapanalo, at ito ang kanyang sagot: "No, I really did not expect to win because of the votes coming in for Carmine," he said. "I actually thought I was going to lose to him so I was really surprised when my name was announced. Yeah, it was really a lot of fun doing the show!"

Ang napanalunan niyang $50,000 ay ibinigay nito sa Shaken Baby Alliance, isang non-profit organization na tumutulong sa mga batang nagkaroon ng Shaken Baby Syndrome, kapansanan ng mga batang na-alog ng sila'y maliit pa (tingnan ang web site na www.babyshaken.com para sa iba pang kaalaman tungkol sa sakit na ito). Tinanong ko si Michael kung bakit ang charity organization na ito ang kanyang napili: "I chose this charity because my brother, who my family adopted, was shaken by someone in his family," he explained. "Because of that, he had severe brain damage and wasn't supposed to live past the age of three. He could never walk, talk, or even be able to interact with people. But now, because of our love and time and his dedication, he is walking, talking, and doing things we never thought were possible. It is a true miracle. The Shaken Baby Syndrome Alliance provides kids like my brother the opportunity to have a life as well," ang sagot ng guwapong binata.

Ibinalita rin ni Michael na kapipirma lamang niya ng kontrata kay Lou Pearlman, ang sikat na prodyuser na nagpasikat sa Backstreet Boys, N'Sync, LFO, at iba pa. "I am going to be working on an album with producer Lou Perlman under Trans-Continental Records but I don't know what kind of music, yet, it's going to be," he said. "Maybe, more along the r&b-rock vibe, but definitely something different, just not too different." Ang mogul prodyuser ay naninirahan sa Orlando, Florida, at may sarili itong regular na television show na nag-re-recruit ng magagaling na manganganta, ala-American Idol.

Pagkatapos ng "But Can They Sing" ay tatapusin pa ni Michael ang isang nabinbin na proyekto, "I'm still shooting a show called 'Beyond the Break,' which will air on the 'N' a.k.a 'Noggin' in March 2006. I play a character named Vin, a Hawaiian surfer," ang pagtatapos niya.

Apl ng Black Eyed Peas Birthday Bash-Party sa The Highlands

Biglaan man ang paghahanda sa kaarawan ni Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas ay nairaos ito ng maganda. Hirap sa parte ko dahil habang nasa San Francisco ako't naghahanda sa preliminary judging and interview para sa Ginoong Pilipinas 2006 (ginanap ng Nobyembre 27, Linggo) ay fina-finalize ko naman ang pagtatawag ng mga celebrities at international media para sa red carpet arrivals. Kailangan kong makipag-coordinate kina DJ Rocky Rock (assistant ni Apl) at Myron Marten, na isa ring party-event coordinator.

Medyo ngarag ako sa pagmamadali paglapag ng eroplano mula sa Oakland pabalik ng Burbank Airport ng Nobyembre 28, Lunes, alas singko ng hapon dahil kailangang nasa The Highlands na ako ng alas-sais para sa mga naghihintay na press at broadcast media para mag-check-in.

Dumating si Apl, halos kasabay nina Lani Misalucha, Lalaine, Rex Navarette, at ang boksingerong si Brian Villoria sa red carpet. Hindi man nakarating si Cris Judd ay ipina-abot nito sa publicist nito ang taos-puso nitong pagbati (magkasama ang dalawa sa pinarangalan sa nakaraang Reflections XVII). Late man nakarating si Fergie ay naghandog ito ng kanta sa may kaarawan at nakipag-jamming ito kina Taboo at Apl (hindi nakarating si Wil.I.Am). Hindi ko man napansin kung nakarating si Gwen Stefani (galing ito sa concert nito sa Arrowhead Pond) dahil hindi ko natapos ang party at nauna na akong umuwi.

Unique at napakaganda ng pagkakagawa ng "Jeepney" birthday cake ni Apl na regalo ng Goldilocks Bake shop. Sa pangunguna ni Taboo, isa sa miyembro ng BEP ay umawit ng "birthday song" ang lahat, pagkatapos mag-duweto ang dalawa. Kabilang sa mga naroon ay ang magkakapatid na Basco (Dante, Darion, Dion at Derek), ang Fil-American aktres ng "Kiss Kiss, Bang Bang" na si Teresa Herrera, Mia Guzman, ang manager ng BEP na si Polo Molina, Andy Wong (manager ni Rocky Rock); sina Edwin at Lani Racquel, Noli Misalucha (ang asawa ni Lani Misalucha na kabilang sa Rosy Cheeks Productions, ang management company ng "Lani Misalucha with SOS"), ang personal make-up artist ni Lani - Nemie Rafanan, at ang mga Leelin ng Goldilocks; Cora Macabagdal ng Asian Journal; Emma Tiebens (www.bellagemma.com).

Michelle Deighton (America's Next Top Model ng UPN), ang cast ng PIECES OF ASS (Elise Marin, Alison Haislip, Jill Bartlett, Ivory May, Shawn Richardz, Erin Stutland, at Danielle James) na kasalukuyang nagbabalik sa Roxy Theatre sa Sunset Blvd.; Alek Carrera, Angelo Santos (couturier designer ng "The Bold & The Beautiful" ng CBS); Chad Hugo; Brian Guest (Evil Unleashed, Passions); Gregory Lorenzana; Jenilee Reyes; Juliette Harris; Katherine Kramer; ang R&B singer na si Miss Issa; Richard Chiu (from the upcoming movie "Baby"); Santiago Douglas (bida sa "Girlfight" at kasalukuyang nag-pro-promote ng kanyang bagong banda - www.santiband.com); Arden Fisher, ang bagong singer ng Balumba Records; upcoming actor Wil Stiles; Veronica Vine; Ana Puno at Mike Dalisay ng Starmedia Entertainment; Atty. Richard Wilner at ang maybahay nito, si Christy; at marami pang iba.

Nag-DJ sina DJ Motive8, DJ Poet, DJ Replay, at ang mga kasamahan nito sa BEP DJ Family.

Gusto kong mag-pasalamant kina Rocky Rock, Myron Marten, DJ Poet, Monet Lu, R.A. Mendoza, Marian Maraya at mga kasamahan nito for helping out and "we were able to put out everything in a very short time." Also, to Joseph at Efren (of Aqua Imaging, for putting out the backdrop in a very short notice but was able to deliver it on time). Tingnan ang mga kuha mula sa birthday party ni Apl (courtesy of photographer Sthanlee B. Mirador) sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos.

Chris Friel, tinanghal na bagong Ginoong Pilipinas USA 2006

Itinanghal na bagong Ginoong Pilipinas USA 2006 ang 20-taong gulang na si Chris Friel, ang part-time model at sales consultant ng GUESS, na kailan lamang ay nakasama sa reality-based television show ng MTV na "Date with My Mom."

Ang patimpalak ay ginawa sa Palace of Fine Arts, sa San Francisco, nitong nakaraang Linggo (Nobyembre 27). I-pri-nodyus ito nina Elton Lugay at Dawn Manangan, dinirek sa entablado nina Dan August at Marlou Colina.

Labing-walo ang mga hurado (kasama ang inyong lingkod) na bumoto sa mga itinanghal na mga nanalo: Chris Friel ng Camarillo, California (grand winner-Ginoong Pilipinas 2006; Best in Swimwear; Best in Barong Tagalog; Grady Justice ng Shirley, Massachusetts (1st runner-up); Jerald Mutia ng Agana, Guam (2nd runner-up, Best in Formalwear/Tuxedo); Victor Ecarma ng Arlington, Virginia (3th runner-up); at Pablo Miu ng Daly City, California (4th runner-up).

Nagtamo rin ng mga tropeo at medalya sina Geoffrey Suguitan ng San Francisco, California (Ginoo of the Crowd); Aristotle Garcia ng Daly City, California (Mr. Photogenic); Brandon Simpauco ng Los Angeles, California (Mr. Congeniality); at Phillip Domantay of San Jose, California (Mr. Popularity).

Mula sa opisina ng San Francisco Mayor Gavin Newsom, itinakda ang araw na Nobyembre 27 bilang "Ginoong Pilipinas USA Day." Aalis si Friel papuntang Maynila para dumalo sa mga charity organizations na sinusuportahan ng Ginoong Pilipinas USA bago ito lumaban si Friel sa susunod na taon, sa China, para sa Manhunt International na kung saan affiliated ang patimpalak na Ginoong Pilipinas USA.

Maari kayong um-order ng video ng Ginoong Pilipinas USA 2005 at 2006 kay Lito Torres (go to www.acompanyoffriends.com)

Personal na pasasalamat: Gusto kong magpasalamat ng personal kina Elton Lugay at Dawn Manangan at sa bumubuo ng Ginoong Pilipinas 2006, dahil sa magandang pagtanggap nito sa mga out-of-towners na mga hurado at mga kandidato. Pati na rin sa Hilton Garden Inn sa Burlingame, California, kung saan kami binigyan ng magandang akomodasyon ng mga mababait na staff nito (dito rin ibinahay ang mga GMA artists sa launching ng GMA Pinoy TV kamakailan). Napaka-convenient para sa akin ang libreng pag-gamit sa computer at 24-hour internet access sa lobby ng Hilton Garden Inn, kaya naman naging maayos at madali sa akin ang pag-che-check ng mga celebrities at media para sa birthday ni Apl. Maayos ang pagtatanghal ng patimpalak ng Ginoong Pilipinas USA at propersyonal ang pamamalakad kaya binabati ko sina Elton Lugay at Dawn Manangan sa ikatlong pagtatanghal ng Ginoong Pilipinas 2006. (E-mail comments at carnay25@yahoo.com)


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME