HOME       |      ABOUT US       |        UPCOMING SHOWS/EVENTS       |        PHOTO ARCHIVE      |      CONTACT US

2005 Archives

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

Nagkagulatan kami ng Miss Universe 1993 na si Dayanara Torres Delgado sa red carpet ng ika-pitong Teen Choice Awards nitong nakaraang Linggo, na ginanap sa Gibson Amphitheatre (dating Universal Amphitheatre). "What are you doing here?" tanong niya. Syempre, sinabi kong nag-kokober ako ng mga events sa Hollywood.

Huli kami'ng nagkita at nagkatsikahan tatlong taon na ang nakararaan nang nag-pro-promote pa si Marc Anthony, ang dati nito'ng asawa, nang album nito sa Virgin Megastore. Ngayon, pagkatapos mag-diborsiyo ng dalawa ay lilipat si "Yari" (Dayanara) dito mismo sa Los Angeles para mag-bisi muli sa naudlot nitong showbiz career.

Kamakailan ay tinapos niya ang ilang episodyo ng noontime soap na "The Young & The Restless." Siya rin ang naka-feature sa spread ng VOGUE magazine (American edition) na lalabas sa Nobyembre. Nag-pikoryal siya para sa MetroSeven, isang clothing line. Katatapos rin niyang um-apir sa proyekto ng "breast cancer awareness" ng Susan V. Komen Foundation.

May sariling foundation si Dayanara Torres Delgado, ang Dayanara Torres Foundation na inilunsad nuong kapanahunan ng kanyang pamamayagpag bilang "Dancing Queen of the Philippines. Gumawa si Dayanara ng 12 pelikula at itinampok sa dalawang dance shows, ang "A.S.A.P." at "Eazy Dancing" sa Pilipinas. Nagkamit din siya ng Best New TV Personality na iginawad ng Philippine Press Club.

Iiwan ni Dayanara ang bahay niya sa Miami at lilipat dito sa Hollywood, California kasama ng dalawang anak (na sina Ryan Anthony at Christian Anthony) sa Latin singer na si Marc Anthony. Sinabi ni Dayanara na hindi niya nalilimutan ang mga Pilipino sapagka't napamahal ng lubusan ang mga ito sa kanya at naniniwala siyang marami pa siyang mga fans sa Pilipinas na gusto pa rin niyang makasalamuha. Bagama't mahirap sa ngayon, dahil may dalawa ito'ng anak na kailangang alagaan at palakihin sa Los Angeles ay maari siyang tumanggap ng proyekto para sa mga fans niyang mga Pilipino, depende ito sa proyektong ihahain sa kanya. Nag-hire na si Dayanara ng bagong manager at ito'y based din sa Los Angeles.

Maari kayong makipag-ugnayan kay Dayanra sa pamamagitan ng web site nito na www.dayanara.net

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Nagkaroon ng special screening sa Harmony Gold Theatre nuong Agosto 5 at na-interbyu ko ng one-on-one ang direktor ng THE GREAT RAID na si John Dahl (basahin sa entertainment section ng www.balita.com) pagkatapos ng panel discussion. Naroon din ang co-prodyuser ng pelikula na si Marty Katz, ang military advisor ng pelikula na si Captain Dale Dye, ang editor na two-time Academy Award winner na si Pietro Scalia, at ang composer na si Trevor Rabin (na naglapat rin ng musika ng "Exorcist: The Original Prequel", gawa ni Paul Schrader).

Sinabi ng AFI graduate direktor na si Dahl na kinalap nila ang lahat ng mga footages ng interviews sa mga survivors nang panahon ng pambihirang Cabanatuan rescue sa Pilipinas. Hindi akalain ni Dahl na sa ilang screenings at sa mga na-interbyu niya ay mahahanap at makikilala ng personal ang ibang survivors. Nakaa-antig ang kanilang mga kuwento at makikita ang lahat ng ito pag lumabas ang DVD ng kanyang pelikulang THE GREAT RAID.

Itinatampok sa pelikulang ito ang Pilipinong aktor na si Cesar Montano at sinabi niyang bilib siya sa kakayahn nito bilang aktor, laluna ang ipinakitang pagkakaisa ng mga Pilipino habang sinu-syuting ang pelikula sa Australia.

Naka-pirma si Cesar Montano ng dalawa pang pelikula sa Miramax Films na siyang distributor ng pelikula at nakatakdang bumalik sa Hollywood para maghanap ng magaling na ahente.

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

Bago lumabas ito ay malamang na tapos na ang concert ni Martin Nievera sa Rio Hotel Suite and Casino sa Las Vegas sa Agosto 20. 2,500 lamang ang kapasidad ng special engagement ni Martin pero dito nakasalalay kung magkakaroon ng special engagement ang Concert King, katulad ng kontrata nito sa nakaraang matagumpay na stint nito sa Golden Nugget nang nakaraang taon.

Sa nakaraang presskon na ginanap sa Max's Restaurant sa Glendale, California, sinabi rin ni Martin na hindi na siya umaasang magkakabalikan sila ng dati nitong asawang si Pops Fernandez. Dahil sa mas matindi ang pagmamahal niya kay Pops, ay kaya niyang magpa-ubaya kung saan maligaya si Pops, at para sa ikabubuti nito ay hindi niya pangungunahan o ipipilit ang kanyang sarili. Alam nito ang kanyang kakulangan na hindi pa niya maibibigay sa kanyang dating misis. Panahon na lamang ang makapag-sasabi kung kung sila ay magkakabalikan.

Samantala, hindi pa rin naman nawawalan ng pag-asa si Martin para makapasok sa international market scene. Ang importante sa kanya ay ang ipagpatuloy ang pagbibigay ng aliw sa kanyang mga tagahanga at dumating na siya sa panahon na iba naman na challenge sa buhay ang kanyang tahakin, ang makilala sa ibang bansa. Sa Las Vegas, kung saan namamayagpag din ang ating kababayang si Lani Misalucha. Sa ngayon, ay may bagong booking agent si Martin Nievera na based din sa Las Vegas.

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Puwede nang magpa-subscribe ng GMA Pinoy TV sa Los Angeles area. Available lamang ito sa DirecTV. Ang siste nito, hindi ka puwedeng magkaroon nito nang hindi ka rin kukuha ng package na kasama ang mga Channels ng TFC o ABS-CBN. Pito ang channels na kasama ng Filipino Direct: TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN, Cinema One Global, Pinoy Central TV, GMA Pinoy TV, DWRR (Radio Channel), at DZMM (Radio Channel). Ang pitong ito ang main Filipino package na dapat mong kunin bago ka makapanood ng alinmang Filipino programs. $32.99 ang pitong Channels ng Pilipino plus $9.99 (basic), wala pa rito ang major cables (HBO, Showtime, atbp.) ay mga $65.00 ang susumahin na babayaran ng isang subscriber. Wala kang choice kung GMA 7 Channel lamang ang gusto mo.

May nakarating sa aking mga balita na medyo palpak daw ang programming ng bagong GMA Pinoy TV sa San Francisco at Los Angeles. Hindi daw tumatama ang schedule of programs, lagi daw delayed, kaya hindi tuloy umakma-akma ang pag-re-rekord kung wala ka sa bahay mo at gusto mo itong panoorin pagdating sa trabaho. Pangalawang reklamo ay tatlong beses daw inuulit ang "Mel and Jay", meaning the same episode na luma ang napapanood sa buong Linggo. Pangatlo ay ang "Love to Luv" daw ay masyado nang luma ang mga episodes (bata pa raw si Alessandra de Rossi sa mga episodes!). Ang mga up-to-date daw lamang ay ang "Startalk," "Encantandia," "Darna," "S.O.P.," at ang mga news. Maski raw ang "Showbiz Stripped" ay luma na.

Sana daw bago mag-grand launch ang GMA Pinoy TV sa Los Angeles (balita ko ay Oktubre 2005) ay handing-handa na sila dahil baka masira lang sila sa subscribers! Paging Ms. Wilma Galvante at Mr. Jimmy Duavit!

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

Nakatanggap ako ng sulat mula sa isang major dealer ng TFC dito sa Los Angeles at ito ang nilalaman ng kanyang sulat (walang labis at walang kulang!):

Dear Oliver,

Nabasa ko and kolumn mo na may titulong "Walang Puso Ang Kapamilya." Sa aking pananaw angkop na angkop ito para sa mga taga ABS-CBN. Dahil mas matindi pa ang kanilang ginawa sa kanilang dating ka-pamilya na tinawag nilang TFCDirect Dealers.

Nang pumasok and ABS-CBN sa Directv, hindi nila isinama ang kanilang mga dealers sa kontratang nakuha nila sa Directv. Sinabi nila sa mga ito na mag-apply na lang sila sa Directv at susuportahan daw nila ang mga dating dealers na nagbigay sa kanila ng mahigit na 60,000 subscribers at pinagkikitaan nila ng daang-daang dolyar kada buwan.

In other words, ang mga dealers were dumped just like that or were dropped like a hot potato. Masasama lahat ang loob ng mga dealers sa treatment na ginawa sa kanila ng itinuring nilang Ka-pamilya (daw). Pero sa kagustuhan nilang mabuhay, pumunta din sila sa Directv para ibenta ang mga programa ng ABS-CBN.

Nag-umpisa na silang mag-benta at magkabit ng ABS programs thru Directv ng biglang pasok ng ABS sa publiko at nag-offer ng kutakot-takot na libre para sa kanila mismo bumili ang mga tao. Lumabas na kinalaban nila ng husto ang kanilang dating Dealers para mahirapan ang mga ito ng magbenta ng ABS programs. Dahil dito, lalong nadag-dagan ang galit ng mga dating TFCDealers sa ABS. Dahil hindi sila maka-paniwala na magagawa sa kanila ang mga nangyayari sa kanila.

Ang pinaka-matinding dagok na natanggap ng mga dealers ay ng ipilit ng ABS-CBN sa Directv ang kanilang napagkasunduan na sila lamang at wala ng iba pa ang dapat mag-benta ng kanilang mga programa sa unang tatlong buwan. Ano kaya talaga ang gustong mangyari ng ABS sa dati nilang Kapamilya na kanilang pinakinabangan ng husto. Siguro ay nais nilang magutom at mag-kamatay ang mga ito kaysa magamit sila ng mga ma-kapusong GMA. Kalungkot-lungkot ang sinapit ng mga dating dealers sa kamay ng mga taong itinuring nilang "Kapamilya"

Hanggang dito na lamang at naway iparating mo sa lahat ang malungkot na nangyayari sa kanila.

Galing sa isang nag-mamalasakit.

Ang aking sagot:

Sa iyo TFC Dealer:

Nakaka-relate ako sa nangyari sa iyo. Ilang taon na ang nakararaan ay pumasok ako sa isang malaking phone card business. Sa pag-aakalang ako lamang ang magiging distributor dito sa Los Angeles ay ipinakilala ko ang lahat ng mga outlets na aking sinu-supply-an. Nguni't kinalaunan ay dumiretso na sila at ako'y na-itsapuwera. Nalaman ko rin na hindi lamang pala ako ang kanilang kausap. Hanggang sa bitiwan ko ang pamamahala sa distribusyon. Ending? Hindi rin umalagwa ang phone card kaya nahinto ang distribusyon sa Los Angeles.

Kung bakit kasi may mga tao na mahilig mang-apak para umangat! Maraming tuso sa paligid at kung minsan parang walang Diyos, dahil kung minsan ay mas pinagpapala ang mga nanlalamang. Ang tanging pag-asa mo ay ang ma-KARMA ng malaki kung sino man ang nan-lalamang! Hindi kita masisisi TFC Dealer sa iyong nararamdaman! Good luck sa anumang susunod mong hakbang!

Oliver Carnay, carnay25@yahoo.com

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

Nitong nakaraang Sabado (Hulyo 30), naimbitahan ako't ang aking kaibigan at assistant na si Jhunzen Juni sa "Comedy Riot Sa Amerika," ginanap sa Richard and Karen Carpenter Performing Arts Center sa Long Beach, California. Ang "Comedy Riot Sa Amerika" ay pinangungunahan nina John "Sweet" Lapuz, Candy Pangilinan, Chokoleit, Eugene Domingo, Deejay Durano, Malou de Guzman, at ang singer na si Dessa, sa direksyon ni Wen Deramas. Teknikal direktor si Jet Montelibano, at prinodyus ito ng ARVI Productions (kontakin si Ariane sa ariane.manalo@arviprod.com).

Hagalpakan ng tawa ang mga tao sa pagkokomedi ng anim na performers. Pinatayo ang mga tao sa opening number. Akala nila'y hudyat ito para sa Pambansang Awit. 'Yon pala'y lalabas si 'Sweet" para mag-umpisa ang 'Game Ka Na Ba?' Nakaputi at gaya'ng-gaya ni 'Swit' ang mannerisms ni Kris Aquino. Tumawag ng limang contestants at nagsimula ang show.

Napakagaling ni Candy Pangilinan bilang flight stewardess na na-fire out kaya nag-apply bilang konduktora ng bus. Mahirap ang ginawa niyang monologue na muwestra-ng-muwestra sa stage, ha! Klik din ang patalbugan sa stage nina John Lapuz at Candy Pangilinan bilang 'Darna' at 'Wonderwoman' (medyo matagal nga lang ang porsyon na ito).

Kuwela'ng-kuwela sa mga tao ang pag-spoof ni Chokoleit bilang "Kampanerang Kuba." Medyo mahaba din ang monologue niya. Hinanap at natagpuan sa crowd ang kasintahang si "Enzo." Nang makita'y panay naman ang halik sa binatilyo. Hindi nagpatalbog si Chokoleit sa segment ng 'Little Miss Philippines" beauty pageant, kung saan 'eng-eng' ang labas niya. Nagnakaw ito ng mga eksena (kung anu-ano'ng pinag-gagagawa sa stage, dinalirot ang mga props ng stage, at kung minsan ay nag-ala-zombie ang dating) habang ini-interbyu ang susunod na kontestant. Okey din ang segment ni Chokoleit kasama si "Dugong," ang karakter sa soap na "Marina." Segwey naman sa pagkanta si Dessa na special guest nang gabing iyon. Kumanta at bumirit ng tatlong kanta. Makakasama si Dessa sa tour ng "Riot Sa Amerika" na magkakaroon pa ng performances sa Las Vegas, San Francisco, at Hawaii.

Ma-e-enjoy mo ang "Riot Sa Amerika" na parang style sa mga 'stand-up acts' sa mga sing-a-long bars sa Maynila, dapat nga lang ay pamilyar ka sa mga karakter ng "Kampanerang Kuba," "Darna," "Marina," atbp. na mga kinagigiliwang palabas sa Maynila, at napapanood din sa TFC (o narerenta sa mga Filipino stores). Hindi nagtipid ang mga prodyuser nito. Kompleto sa design ang stage at ilang beses nagpalit ng costumes ang mga performers. Sulit ang ibabayad ng mga nakapanood nito. Isang tagumpay ang performance sa Long Beach. Kahit malayo ito sa sentro ng L.A. (na karaniwan ay sa L.A. ang mga concert venues) ay tinao ito. Naka-85% ito, base sa 1,078 capacity ng venue. Nangangahulugang marami sa ating mga Pilipino ang mahilig at nangungulila sa mga ganitong klaseng palabas na live entertainment. Sana makarating ito sa iba't-ibang Fil-Am communities dito sa Estados Unidos at Canada. Kaaliw talaga! (Nasa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos ang iba pang mga kuha).

***************************************

Nakatutuwang malaman na maraming magsusulputa'ng comedy act na magtu-tour sa mga Fil-Am communities dito sa U.S. Sa isang concert, mas kaliw-aliw kung ang "breaker" ay isang komedyante. Ilan sa mga U.S.-based comedian na umiikot sa mga Fil-Am communities dito sa U.S. sa pamamagitan ng kanilang mga hit-comedy acts ay sina Bernardo Bernardo, Joseph Gelito, Leonard Obal, Bobby Solis, at Fe de los Reyes. Hindi nawawalan ng mga projects ang mga ito.

Sa Setyembre a-trenta (September 30), uumpisahan ni Fe de los Reyes, kasama nito ang magkapatid na Leandro at Carlo Muñoz, ang kanilang U.S. tour na "Amerikana". Magsisimula ito sa Alex Theatre, sa Glendale, California, at susunod sa San Francisco, sa Herbst Theatre, sa Oktubre 2. I-po-prodyus ito ni Fe de los Reyes mismo (www.fedelosreyes.com) sa tulong ng major sponsor nito, ang Law Office ni Atty. Michael Gurfinkel, at line-prodyus ni Vic Perez ng V Entertainment.


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME