HOME       |      ABOUT US       |        UPCOMING SHOWS/EVENTS       |        PHOTO ARCHIVE      |      CONTACT US

2005 Archives

Cris Judd, Cher Calvin, Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr., Chito Roño, Rembrandt Flores, Ron Bilaro, at Sean Collado, kasama sa mga awardees ng REFLECTIONS XVII

Michael Copon sa bagong celebrity reality-tv contest ng VH1 na "But Can They Sing?"

'SIGAW' Nanalo ng Best Musical Score sa nakaraang SCREAMFEST L.A. 2005 Horror Film Festival

Ikatlong Patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA

Sean Collado, Nanalo ng Walong Karangalan sa 2005 World Champtionship of Performing Arts (WCOPA)

Panawagan ng producers at stars ng "Comedy Riot Sa Amerika"!

Mark Mejia, Nag-Release ng bagong CD album!

GMA Pinoy TV sa Los Angeles, Available na rin sa Comcast Cable Company!

Viva Hot Babes, May Mga Gustong Ipakita at Patunayan sa Publiko!

It's OK, MiG!

Dra. Vicki Belo at a Hollywood charitable event

Dayanara Torres Ibabalik Ang Naudlot na Showbiz Career!

"In the Making," "Behind The Scenes" and "Interviews" with Cabanatuan Survivors will be included in the DVD release of the film THE GREAT RAID!

Martin, Huhusgahan sa kanyang solo concert sa Rio Casino & Hotel Suites sa Las Vegas!

GMA Pinoy TV sa L.A., Mayroon Na Pero Palpak?

Wala Talaga'ng Puso Ang 'KAPAMILYA'!

"Comedy Riot Sa Amerika," Riot Talaga!

May Puso Ang Kapamilya?

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Tapatan ng S.O.P. at A.S.A.P. sa Los Angeles, Hindi Na Matutuloy! Eat Bulaga hindi rin tuloy!

Leah Navarro vs. Jukebox Queens Concert Producer

FOOTLOOSE: young hot TV stars in their theatre debuts

Wowowee, Caravan: ASAP '05 at The Buzz sa Amerika, Bogus Lang Ba?

Sharon Pa Rin Ang Nagwagi!

'Queens... On Fire' - the L.A. Version!

'Beauty Day' ni Dra. Vicki Belo sa L.A.!

Richard Gutierrez sa Premiere ng "Kung Fu Hustle"

Dessa, May Hinaing sa Ichiban!

RUSBLOOM ni Rustom Padilla, Hindi Na Siya Ang May-Ari!

Billy Crawford at EXORCIST Prequel premiere

Sharon Cuneta vs. Sarah Geronimo sa Hunyo 11 sa L.A.!

Lea Salonga, Ambisyosa sa Kanya'ng Unang Concert Tour!

Manila's rendezvous: GMA 7 at ABS-CBN malapit nang magtapat sa Estados Unidos! Jaya, binastos ako sa dressing room ng SOP! Birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, star-studded! Christian Bautista, Naungusan Na ang Ibang Champions!

Fil-Am Singer Lalaine Scores Warner Bros. Record Deal!

2004 Archives

'The Great Raid' Moved (Again) to December 2, 2005!

Holiday Thoughts from Ruffa

Piolo rocks Hollywood Palladium

16th Annual Reflections Awards in L.A.

An Exclusive Interview with Jim Brickman

Freestyle, Jaya, Basil, at Carol "Trick or Treat" Concert sa Los Angeles!

BosPoker.Com Launch Tournament @ Exclusive Mansion in Beverly Hills

Fourth Annual Filipino-American Library Benefit Gala

Night of the Champions in SFO with Erik Santos

Where are they now?

Ruffa Gives Birth to Venicia Loran Bektas

A Fan Questioning Yilmaz!

At the Jubilee Theater: Sometimes 'Originals' Are Not the Best

Ballad Hitmakers Still Radiate!

RUSBLOOM Shop Unveiled in Panorama City

Lorin Turns One!

Gary V Hits Shrine to the Hilt!

"Power of Two" Nora-Kuh concert at Hollywood Palladium!

The Buzz in L.A.

"Songbird and Songwriter": First Sold-Out 2004 U.S. Concert Sizzles!

Billy Crawford Excluded at "The Exorcist IV: The Beginning"; New Album Soon to be Released in Europe

Revisiting the Dance Diva - Jocelyn Enriquez

First L.A. Concert of 2004 - an Intimate Night with Phenomenal Piolo Pascual

2003 Archives

Martin and Pops' 2003 U.S. Concert Tour kicks off in Los Angeles with a big bang!

Maximedia USA's second tour offering, the unbeatable "Martin-Pops" tandem!

Gina Alajar and Charles R. Uy Receive Recognition at 2nd Cinema Indio Festival

From Ruffa with Love

A Sad Thing Happened On My Way Out from the FPAC!

Ruffa leaves Los Angeles for a home in Turkey!

L.A. Blind Items!

Vina on top!

Ramon "Bong" Revilla honored by Motion Picture Association

L.A. Concerts and what's new with TF?

Ruffa's L.A. birthday celebration!

Carol-Ogie and Lani with Basil, deja vu?

A Baby Shower for Ruffa!

An open letter from Ruffa's husband: Yilmaz Bektas

Rediscovering Aiza Seguerra

Conversations with Ruffa Gutierrez: the wedding invitation

Judy Ann, Robin, and Rustom show at Orpheum Theater a big success!

A Close-Up Look: Conversations with Judy Ann Santos

Jocelyn Enriquez releases new album, "All My Life"

Carlos Morales in town

Judy Ann Santos to storm L.A.!


Celebrity L.A. Scene

By Oliver Carnay
carnay25@yahoo.com

May Puso Ang Kapamilya?
S.O.P. / Gigsters sa Bill Graham, Tagumpay!

Hindi ko naikober ang "Kapamilya - Summer Caravan" ng Dos sa San Francisco na ginanap sa Monster Park nitong Sabado (Hulyo 23) dahil sa hindi natagalan ng mga kasama ko ang nakapapasong init na dulot ng araw. Tanghaling tapat, mainit na nga (at very dry ang klima, kahit ito'y malapit sa bay) ay "hassle" pa ang parking ng venue ng Dos sa San Francisco. Umalis kami ng bago mag-alas-tres, bago nagsimula ang presentasyon ng The Buzz. Ayon sa nakapanood hindi raw natuloy si Angela Bofill na mag-perform. Si Jasmine Trias at David Pomeranz ang main performers bukod sa mga mainstays ng ASAP. Ang alam ko'y hindi nakarating si Anne Curtis na isa sa mga host ng segment ng The Buzz at pati na rin si Jerome Sala na dapat ay kasama sa entourage ng Dos.

Nasalubong namin ang aming kaibigan na si Jun Lalin at naglitanya ng disgusto at pagkapahiya laban sa pamamahala ng "press pass" ng Summer Caravan sa Monster Park Fairgrounds. Pagkatapos nitong makaalis ay nag-sorry naman daw ang ilang executives ng Dos. Nag-alala rin kami dahil baka ma-tow ang kotse namin dahil walang malinaw na instruksyon ang ABS-CBN kung saan puwedeng mag-park ang mga bisita kaya umalis na lamang kami.

Mas na-enjoy namin ang presentasyon ng Dos sa Los Angeles na ginanap sa Rose Bowl Stadium. Dahil siguro nakarating ako hanggang backstage, sa paanyaya at tulong ni Ginoong Tom Consuji, na isa sa mga ehekutibo ng TFC International, at nakakuha ako ng "exclusive behind-the-scenes shots" ng mga performers (tingnan sa www.picturetrail.com/olivercarnayphotos).

Sa labanang Dos at Siyete sa San Francisco, pareho lang na tinao at maganda ang presentasyon ng dalawang istasyon, pero mas komportable ang panonood sa Bill Graham Civic Auditorium. Mas convenient nga naman na manood ng nakaupo at may bubong, kaysa sa venue ng Dos sa Monster Park na halos panawan ka ng ulirat sa init. Simula alas-dose hanggang bago mag-alas tres ng hapon ay nakatanga ang mga tao at paikot-ikot sa mga booth. Nagbigay ng mga give-aways ang ilang booth, at nag-autograph signing ang ilang artista. Simula nang mag-umpisa ang The Buzz ng mag-a-alas tres at matapos ito ng gabi ay nakatayo ang mga tao. May mga upuan sa unahan, malapit sa entablado, pero kailangan mo ng VIP Pass para ka maka-upo dito. Hindi ko alam kung paano'ng nakatagal ang mga tao sa init. Pagdating naman ng medyo gabi na ay halos mamanhid ang mukha mo sa ginaw! Tanong ko lang uli - hindi kaya nag-iisip ang Dos? Basta lamang masabing nagbigay ng "free show" ay hindi na inintindi ang kapakanan ng mga manonood. Para ka lang nagpunta sa perya para manood ng libreng palabas? Kesehodang maginaw o mainit! Walang iniwan sa huling TFC "free concert" na Night of the Champions sa SFO Civic Center Park nang nakaraang taon, kung saan nanginginig sa ginaw at nangawit ang mga singit ng mga manonood sa pagkakatayo (nando'n ako 'no!).

Sa hotel na tinuluyan ng Dos, ang Courtyard Marriott sa Burlingame, ay mas mukhang mga "stress" ang mga tao at ibang staff ng Dos, kaysa sa Hilton Garden Inn na tinuluyan ng mga staff at artists ng Siyete. Hindi magkandatuto ang isang "jun" nang pahingan ni Tito Alfie (Lorenzo) ng "All Access" pass para sa akin, pero hindi na ito bumalik! Mas masasaya at "relax" ang mga tiga-Siyete kaysa sa Dos!

******************************

Sa Siyete, alaga ang mga L.A. press people na nag-kober ng GMA Pinoy TV Launch sa San Francisco. Maipagkakapuri ang organizer at line-producer nito na sina Ana Puno (ng Starmedia) at Vic Perez na siyang nangasiwa sa lahat ng mga pangangailangan ng press at mga artista ng Siyete (at mga bisita ng Siyete). Mula sa pagkain at paghatid sa airport ay naisip nitong bigyan ng importansya ang "media".

*******************************

Apat na araw bago ang grand presentation sa Bill Graham Auditorium ng Siyete ay nagkaroon ng opisyal na press conference ang GMA Pinoy TV sa Embassy Suite. Umalis kaagad sina Richard Gutierrez at Angel Locsin, pagkatapos ipakilala sa press conference nuong Martes (Hulyo 19) dahil sa nag-su-shooting ang dalawa ng bago nilang pelikula na pinamagatang "I Will Always Love You". Kwela ang mga jokes ni Joey de Leon na kasamang nag-host ni Mel Tianco. "TFC-The Former Channel" … "Maala-Ala Mo Kaya" --- "ala-ala na lang!" … "Mas maganda ang Kapuso dahil ang puso ng tao ay iisa lang, hindi katulad ng Kapamilya - may No. 1, No. 2, at No. 3 …!" ang patutsada ni Joey pagkatapos nito'y binawi - "Hoy, biro lang, ha?". Inamin naman ni Kuya Germs (German Moreno) na "halos lahat naman ng mga pambatong artista ng kabila ay nanggaling din sa Siyete", mula sa kanyang sariling programa na "That's Entertainment". Pinabulaanan ni Jimmy Duavit at Wilma Galvante ang tinuran ni Ms. Charo Santos (nang mag-press-con ang Dos sa L.A.) na mas malakas sa buong Pilipinas ang Dos base sa nationwide ratings. Namigay ng mga gift bags ang Siyete at nag-picture taking with the stars bago natapos ang pagtitipon.

Namataan naming sa press-con ng Siyete sa Embassy Suite ang magkakapatid na Juni, Lilibeth, at Suzette Ranillo. Sa press-con ng Siyete ay naroon din sina Tito Alfie (Lorenzo) at Jun Lalin. Dumating din mula sa Seattle ang ama at ina ni KC Montero na sina Mommy Cynthia at Dad Cody para makita ang anak, nguni't kinailangang umalis ito kaagad at hindi na inabot ang Sabado, gabi ng pagtatanghal dahil sa may importanteng event na pupuntahan ang butihing ina ni KC.

Sa press-con pa rin, naganap ang pagbabati namin ni Jaya. Sinulatan ko si Jaya at ipinahatid kay TF (Fanny Serrano) nang ito'y umuwi sa Pilipinas nitong nakaraang buwan. Nilalaman ng aking sulat ang sinseridad na pagbabati dahil sa hindi magandang insidente na nangyari sa backstage ng S.O.P. nang ako'y umuwi nitong Pebrero. Sa press-con chika-chika na after. Nakatakdang magkaroon ng concert tour ang mag-inang Elizabeth Ramsey at Jaya sa U.S. sa taong ito ng Oktubre.

May kapalpakang nangyari sa press con ng Siyete sa Embassy Suite sa San Francisco. Tama ba'ng i-announce ng Comcast na sa halagang $12.95 ay may GMA Pinoy TV na, pero kung gustong magkaroon ng subscribers ng The Filipino Channel (TFC) ay puwedeng idagdag ito, suma-total ay puwedeng makuha ang dalawang channels sa halagang $19.95?!!!

***********************************

Hindi magkamayaw ang mga tao sa kapal at excitement habang pumipila para makapasok sa Bill Graham Auditorium. Sa pagkakaalam ko, marami sa nagpunta sa Monster Park (para sa ASAP Summer Caravan ng TFC) ang nagbakasakaling makapasok sa venue ng Siyete. Ang iba'y may tangan nang mga tiket at nagbalak na pagkatapos ng ASAP ay pupunta pa rin sa Bill Graham. Ang ending, humangos ang mga tao ilang minuto bago magsimula ang pagtatanghal. Marami sa iba ang hindi nakapasok dahilan sa may restriksyon ang kapasidad ng venue. Kaya napilitan na maglagay ng malaking screen sa dalawang hall na ginamit nang umaga para makapanood ang mahigit pang isanlibong katao na pilit makapasok upang makapanood sa Bill Graham Auditorium.

Hindi natuloy mag-perform si Angel Locsin dahilan sa na-confine ito sa ospital dahil sa bronchitis. Bago pa man dumating ang pambatong aktres ng Siyete sa U.S. ay ngarag na ito dahil sa dami ng iskedyul na gustong punan kaya hindi na nakayanan ng katawan nito at isinugod daw ng Regal producer na si Roselle Monteverde sa ospital si Angel habang nag-su-shooting ng pelikulang ginagawa dahil nilalagnat ng mataas at nagsisikip na ang dibdib nito dahil sa makapal na plema at hirap sa paghinga.

Kwela sa manonood ang comedy skit/song number ni Ogie at Janno. Nagnakaw din ang mga ito ng eksena nang hingan ng "kiss" ang mga loveteam na sina Chynna Ortaleza-Richard Gutierrez, Mark Herras-Jennylyn Mercado, at Dingdong Dantes-Karylle.

Pinatunayan nina Jaya, Janno Gibbs, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at iba pang performers ng GMA Pinoy TV Launch sa Bill Graham Auditorium na wala sa dami o laki ng stars ang ikagaganda ng isang presentasyon. Talento ang higit na puhunan ng mga ito. Malinaw ang mga sound systems at kumpleto sa prompter equipments, lightings, costume design, at iba pa. In between ay may video presentation para ipakilala ang mga kinagigiliwang panoorin ng GMA supporters sa Maynila na maaaring sundan ng mga U.S. GMA subscribers.

Napakalakas ng rehistro sa manonood ng artistang si Richard Gutierrez pero hindi nagpahuli ang kakambal nitong si Raymond Gutierrez nang mag-host ito ng ilang segment ng SOP/Gigsters. Ang sikat na international singer at aktres na si LaLaine ay hindi nagpahuli sa dalawang ka-back-to-back na singers na sina Jolina Magdangal at Jennylyn Mercado. Kasama ni Kuya Germs ang pamangkin nito na si John Nite na mainstay ng kanilang programang Master Showman. Naroon din ang anak ni Geleen Eugenio na si Migi Eugenio (Tanchanco) na siyang nag-choreograph ng mga dance numbers ng mga hi-nire na mga dancers mula sa L.A.

Naki-jamming naman ang kontrobersyal na aktres na si Nora Aunor sa mga gitarista sa may lobby ng Bill Graham bago ito pumasok sa backstage. Nagkita sina Kuya Germs at ang superstar. Tinawag si Nora ni Joey de Leon at Richard Gomez para ihayag ang suporta nito sa mga Pilipinong beterano.

Bago ang main performance sa main auditorium ay mayroong mini-show mula pa nang umaga. Nag-host sina Kuya Germs, John Nite, Lucy Torres-Gomez at panaka-naka'y lumabas din para bumati at magbigay ng awitin ang ilang mga kasaling singers, katulad nina Malik, Rufa Mae Quinto, Gabby Eigenmann, atbp. May ballroom dancing contest, autograph signing ang mga artista, at ibang mga aktibidades nang umaga hanggang hapon sa loob ng hall ng Bill Graham Auditorium.

Kung sa ASAP ay nag-lip synch sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Judy Ann Santos, ay nag-lip sync din sina Raymond Gutierrez at Chynna Ortaleza. Sa Dos, na-ospital si Gary Valenciano dahil sumumpong ang sakit nito. Sa Siyete, si Angel Locsin din ay may bronchitis. Hindi ito nakapag-perform at isinugod sa ospital ni Roselle Monteverde ng Regal Films habang nag-syu-syuting ito ng pelikula. Marami palang fans si LaLaine dahil malakas ang hugong ng palakpakan nang lumabas ito.

Para sa akin, hindi na dapat pag-usapan kung sino ang mas magaling, KAPAMILYA man o KAPUSO. Ibigay natin ang kudos sa mga tiga-Dos dahil sa pamamayagpag nito nang labing-isang taon dahil sa TFC International. Nakapagdulot ng ginhawa at naibsan ang kalungkutan ng mga homesick na mga Pinoy sa pagbibigay ng Dos ng kasiyahan dahil sa TFC. Hindi rin birong pawis at napakalaking effort ang ginawa ng Dos para makilala sa Estados Unidos at maging sa ibang bansa.

Nguni't ngayong narito na ang GMA Pinoy TV ng Siyete, isang malaking challenge para sa Dos ang pagpasok ng Siyete. Kailangang pag-ibayuhin ng Dos at galingan ang kanilang mga programa. May dahilan man na ma-insecure ang Dos (dahil kalat ang balita na mas magagaling at entertaining ang programa ng Siyete sa Maynila) ay marami din silang magagaling na artista at manganganta.

Samantala, kailangan pang patunayan ng Siyete ang galing nila sa Pinoy communities dito sa Estados Unidos. Ayon kay Jimmy Duavit ng GMA 7, binibigyan niya ng tatlong taon ang GMA International para maabot ang narating kung saan namayagpag ang nasakupan ng Dos. Until then, saka tayo magsabi kung mas magagaling nga ang programa ng Siyete kaysa sa Dos!

(More pics at www.picturetrail.com/olivercarnayphotos. E-mail comments at carnay25@yahoo.com)

Paolo Montalban, Bernardo Bernardo, Leandro at Carlo Muñoz, Ms. Lucita Soriano, at ang dating artistang si Vilma Valera, sa Gawad Parangal 2005 sa Sacramento, California

Pagkatapos i-kober ang salpukan ng Dos at Siyete sa San Francisco ng Sabado (Hulyo 23) ay dumiretso kami ng aking kaibigan sa Sacramento, Linggo ng hapon, upang um-attend sa 'Gawad Parangal 2005' at tumanggap ng Editor's Award mula sa aking editor sa Philippine and Other Asian Headlines newspaper na si Noel Rominque, na siya ring direktor at prodyuser ng 'Gawad Parangal 2005'.

Tumanggap ng award sina Paolo Montalban (Entertainer of the Year), Bernardo Bernardo (Stand-up Comedian of the Year), ang magkapatid na Carlo at Leandro Muñoz (Special Award), at si Ms. Lucita Soriano, na ngayo'y isa nang misyonarya at evangelist ng Kingsway Fellowship International. Abala ang dating aktres sa pagtulong sa Philippine Children's Fund of America, isang non-profit foundation, kung saan representative si Ms. Soriano.

Samantala, ito ang unang paglabas sa mga social functions ng dating kilalang celebrity na si Vilma Valera pagkatapos nitong magkaroon ng limang-by-pass surgery kamakailan. Kasalukuyan pa rin itong naka-disability at nagpapahinga. Kabibili pa lamang nito ng bahay sa Antelope, California nang mamatay ang retirado nitong asawa. May dalawang anak si Vilma Valera. Ilan sa mga pelikula ni Vilma Valera bago siya naging television star ay ang "Pogi" (1967, kasama ni Eddie Gutierrez) at "Karate Kid" (1967, kasama ni Bernard Belleza).

Nakausap ko si Paolo Montalban at kinumpirma nito na hindi siya makadadalo sa L.A. Premiere ng 'The Great Raid' sa Agosto 4 dahil bisi ito sa rehearsal ng musical adaptation ng "The Two Gentlemen of Verona" na ipalalabas sa public theatre ng Central Park sa New York, ang Delacorte Theatre. Makakasama ni Paolo sina Rosario Dawson, Oscar Isaac, Megan Lawrence, at David Costabile, sa direksyon ni Kathleen Marshall, kapatid ni Rob Marshall (direktor ng Chicago at Memoirs of A Geisha na malapit nang ipalabas). Magsisimula ang play mula Agosto 16 hanggang Setyembre 11, 2005. Nagkaroon ng Premiere Night noon Hulyo 28 ang "The Great Raid" sa Washington, D.C. (dinaluhan ito ng dating First Lady at ngayo'y Senadora na si Hilary Clinton) at nanghihinayang si Paolo dahil hindi sila nagkita ni Cesar Montano. Sa pelikulang ito, kasama nina Paolo at Cesar Montano sina Benjamin Bratt, James Franco, at Joseph Fiennes. Syanga pala, a-attend ako ng press junket nito sa Agosto 7. Magkakaroon ng L.A. Premiere sa Arclight Theatre sa Agosto 4. Sa a-singko ng Agosto ay a-attend ako ng media screening nito at sa Linggo (Agosto 7) naman ang press junket nito sa Los Angeles. Pagkatapos ng matagumpay na play na The Long Season sa Juneau, Alaska nitong Abril 2005, ay nagbakasyon si Paolo sa Austria at Italy ng dalawang Linggo.

Ang dalawang magkapatid na Carlo at Leandro Muñoz naman ay magkakaroon ng U.S. tour kasama ng komedyanteng si Fe de los Reyes. Ang pamagat nito'y "AMERIKANA". Ibang klase ang ihahandog ng tatlo, dahil ibang putahe ng entertainment naman daw ito. May comedy skit, kantahan, at ito'y punung-puno ng katatawanan. I-po-produce daw ito ng Law Office ni Atty. Michael Gurfinkel.


About OLIVER CARNAY

With more than a decade of experience in the entertainment industry OLIVER CARNAY is an accomplished international Fil-Am writer, Publicist, Talent Manager, Project Consultant, Booking Agent, Event Organzer, Photographer, Concert Line-Producer, movie associate producer, and Concert Booking Agent.

Oliver has written for major publications, domestic and international, including Asian Journal Publications (www.asianjournal.com), BALITA MEDIA, INC. ("Balita USA", "Weekend Balita" and "Go4Women Magazine," available online at www.balita.com/ and www.Go4Women.com), ASIAN-AMERICAN PEOPLE'S JOURNAL (circulated in northern and southern part of California), Philippine and other Asian Headline newspaper - circulated in Sacramento, San Francisco and its vicinities) also published in northern and southern parts of California.

In San Diego: FAME Magazine and PHILIPPINES TODAY. In New York / New Jersey he writes an entertainment column for CAROUSEL PINOY ENTERTAINMENT (www.carouselpinoy.com). He is a contributor for BUZZINE Magazine (www.buzzine.com), AUDREY Magazine (www.audreymagazine.com), www.siklab.com, PARA TODOS Magazine, and other L.A. based publications.

He is the Los Angeles correspondent of Global Pinoy Entertainment Corporation (GPEC) which publishes S Magazine (circulated in Manila, all over the United States and Europe) and PINOY GAZETTE (published in Hong Kong and Japan.

He is an active member of the National Press Photography Association (N.P.P.A.), Press Photography Association of Greater Los Angeles (P.P.A.G.L.A.-see www.ppagla.org for member listings), and is under the directory list of the Motion Picture Association of America (M.P.A.A.) covering movie Premieres, junkets, and other major Hollywood events.

Oliver is the Publisher of www.HollywoodFLIP.com, an online entertainment newswire magazine. Always a pioneer in bringing first rate news about Fil-Am talents in Hollywood as well as introducing them to the Filipinos and Fil-Am communities in the U.S. and in the Philippines.

Oliver Carnay is the proprietor of International Artists Production Company established in 1995 where he had produced, directed concerts and stage plays.

Oliver Carnay is in full blast as a Talent Manager and Publicist. He is the proprietor of International Artists PR & Talent Management (www.iatalent.com), a full-service publicity and talent marketing company, which represents a roster of multi-ethnic actors, musicians, directors, writers, and other celebrated artists in Hollywood. Oliver Carnay takes pride in being a member of the Talent Managers Association (www.talentmanagers.org). Email at Oliver@iatalent.com

HOME