Gorilla Mobile

HOME       |      ABOUT US       |        UPCOMING SHOWS/EVENTS       |        PHOTO ARCHIVE      |      CONTACT US

Online Ticket Sales:
www.tiketanonline.com

 
Juday at Ryan, maggi-guest sa ‘Eat Bulaga Grand Fiesta’
By: Ian F. Farinas
July 11, 2008

NOW it can be told. Ang recently-engaged pair na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang surprise guest couple sa live show ng longest-running noontime show, Eat Bulaga, sa Los Angeles, California, ngayong Hulyo.

Yes, mismong ang manager na ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo ang nagkumpirma nito nang makatsika namin sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde kamakalawa.

Walang nakikitang problema si Tito Alfie sakali mang mag-guest si Juday sa top-rating noontime program na umeere sa GMA-7, dahil sey nga niya, ang Tape, Inc. naman ni Tony Tuviera ang produ nito with Ana Puno’s Starmedia Entertainment.

Bukod kina Juday at Ryan, na ngayong Biyernes yata ang appointment sa U.S. Embassy para sa working visa, nauna nang naibalita na guests din sa Eat Bulaga Grand Fiesta sa LA ang tambalang Dyesebel nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa Los Angeles Sports Arena nakatakdang gawin ang live presentation ng EB sa July 19, na siyempre pa’y pangungunahan ng triumvirate nina Tito, Vic at Joey, Pia Guanio, Allan K at iba pang dabarkads.

So far, positive ang feedback na naririnig namin tungkol sa ticket sales nito. Maging ang People’s Journal editor na si Eugene Asis, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika, nagpapatunay through e-mail na okey ang benta ng tickets, ha.

Samantala, how true na mamimigay ang show ng hundreds of prizes na ang pinaka-jackpot cash prize ay tumataginting na $20,000?!

 

A REGISTERED MEMBER OF:  

HOME                                                                                              EVENTS

CheapTickets Button

 

Pingo

 

120x60 Red Creative Test Winner with Icon - Packages

 

Try Netflix for Free!

 

120x60 Faster Easier Car